Wendy Jane Walker

12 1 0
                                    


Chapter 1

Ako si Wendy Jane Walker. May maikling buhok kulot ung dulo na kulay orange brown. Meron din akong malaki at makapaaaal na salamin sa mata. haha. Malabo kase ang mata ko, sabe sakin ni Mandy kaya daw malabo ung mata ko kase basa ako ng basa ng wattpad. Pero Pssh! hindi kaya. Nasa lahi lang talaga namin ang malabo ung mata. Si Mandy nga pala ang bestfriend ko, babae sya ah.

Nandito nga pala ako sa room nagbabasa habang wala pang prof. dito kame nagaaral sa Joo Jeung University or JJ University. Korean daw ang mayari nito pero hindi pa namin nakikita. Busy daw palagi.

"Wends! hi!" bati ni Mandy sabay tapik. Tumango lang ako busy ako sa binabasa ko. Inayos nya ang gamit nya at naupo na sa tabi ko.

"hoy babae. Ano nanaman ba yang binabasa mo ang aga aga cellphone nanaman ang hawak mo!"

sita sakin ni Mandy. Habang nilalabas nya ung notebook nya. For sure gagawa to ng assignment hahaha. Tamad kasi sya pero masipag mangopya.

"bakit ba? eto na nga lang nagpapakilig sakin tapos nagagalit ka pa dyan.." paawa effect ko. NBSB nga pala ko, ewan ko ba wala nagkakagusto sakin. Ayaw ata nila sa nerd..

"Yung The broken Man nanaman ba yan?! Pakopya nga ng assignment bestie! hahaha" biglang lumambing ung boses nya dun sa last sentence.

"oo kawawa naman si Dylan mylovesosweet.. Bwisit na babae kase yun!!.. ew! plastic. bestie ka dyan!" sabi ko habang kinukuha yung notebook ko sa bag. "o yan na" abot ko sa kanya. Ung ngiti nga abot hanggang ulo e.

"kalma. Hindi naman yan totoo e. salamats bestie! haha." sabi nito at sumubsob na at inumpisahan ng kumopya.

At ako naman pinagpatuloy na ang pagbabasa. Maaga kame palagi ni Mandy ng 30 mins. pumapasok. Bakit? wala lang trip lang namin. haha.

Alam nyo ba tong The Broken Man? Ang ganda nito grabe. Dylan Park yung name ng bida tapos meron syang Girlfriend si Shine Go na lagi syang pinapahirapan porket alam nitong babae na to na babalik at babalik si Dylan sa kanya grabe sya kung magpahabol! tapos eto naman si Dylan ay ewan. Nakakainis lang sayang kase si Dylan masyadong sweet tapos sobra kung mageffort. Tapos ayun si Dylan napilitang pumunta ng korea. 3 years na sya dun. At sa next update babalik na daw sya. ano kayang mangyayare. Sana wala na ung bwisit na Shine na yun!

"oh bakit galit na galit ka dyan?!" sita sakin ni Mandy. haha. hindi ko namalayan hinahampas ko na pala ung lamesa ko. Nabato ko din ung mga book ko sa desk. hahaha!

"nadala lang.. nadala lang.. hehe" sabi ko habang naka peace sign. Nagdadatingan na ung mga classmate namin. Si Mandy naman tapos na din sa ginagawa nya.

"Mandy ano binabasa mo sa wattpad?" tanong ko.

nagisip pa sya.. "ung ang papaya ni marie tapos ang saging saba. tska ung kung kulot ang buhok mo patay ba ito lahat?. bakit?" seryoso nyang sagot.

"seriously? hahahaha!!" napahawak pa ko sa tiyan ko. Grabe bakit ganun ung binabasa nya! hahaha!

"hala makatawa! ang gaganda kaya nun!" sabi nya.

"hahaha! akin na nga yun cellphone mo!" inabot naman nya at kinuha ko. Tinignan ko yung library nya sa wattpad seryoso nya sya. Dahil wala syang The Broken Man ayun nilagay ko. "o ayan na. basahin mo ung nilagay ko ah!" sabi ko.

"ayy!! di ko pa tapos ung kung kulot ang buhok mo patay ba ito lahat e! tska na yan!"

"noo!! babasahin mo yan. bago ung kulot kulot ewan! kung hindi, hindi na kita papakopyahin!" panakot ko sa kanya.

"oo na. kainis. Ang ganda pa naman ng kwento nung kulot! Nagpastraight kaya sya!!" pagkasabi nya nun sabay kameng natawa. Tumawa lang kame ng tumawa. At huminto nung makita naming papasok na ng pintuan si prof.

----

Nandito kame sa canteen. Ako kumakaen, habang si Mandy naman busy sa cellphone nya. Parang may binabasa. Hindi nya pa nagagalaw ung pagkain nya.

"oy mandy! ano ba yang ginagawa mo? gumaen ka muna kaya." sabi ko.

"huhu! wends! ang ganda pala neyong broken man! bwisit nga yung si shine na yun!" sabi nya. tapos kunyare nagpupunas ng luha.

"sabe ko sayo e.. sana sakin na lang si Dylan mylovesosweet.." sabi ko ng nakahawak pa sa puso ko. haha.

hinampas bigla ni mandy ung table namin. "no! akin sya wendy!"

pssh. sana pala di ko na sakanya pinabasa yun.. "ewan ko sayo kame na nu!" pangaasar ko.

"may fb accounts na ba mga characters neto?" tanong ni Mandy. Bago pa lang yung story na yun kaya hanggang Chapter 15 pa lang.

"sabe nung writer sa post nya pag naka chapter 17 na chaka na daw sya gagawa ng accounts nila e." sagot ko.

"e bakit 17 pa? pwede namang 16 o 15?" tanong nya.

"e bakit ba mas marunong ka pa sa writer. favorite number daw kase nya yun."

"ayyyyyyy!! dame alammm!" naiinis na sagot nya. hahaha.

Ano kayang itsura ni Dylan ko.. Pati nung bwisit na Shine.. Hayyy.. Dylan..

"Girl! alam mo narinig ko ung usapan ng mga prof gwapo daw yung anak ng mayari ng university! Dylan daw name!!! shit!!!!"girl1

"waaaa!! nako girl name pa lang pamatay na!! waaaa!!" girl2

kwentuhan ng dalawang babae sa likod ko. Dylan pala name ng anak ng mayari ng school. waa kapangalan pa ni Dylan mylovesosweet. huhu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's a Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon