Jail Booth

18 4 0
                                    

"Happy Anniversary Babe!"

"Matagal na kitang mahal, sana tanggapin mo ako. "

"Will you be my girlfriend? "

"I love you babe! "

Hayst. Yan lang naman ang mga naririnig ko pagpasok ko pa lang sa school. February 14 daw kasi ngayon eh. Araw ng mga naglalandian. Hahaha Hindi naman ako bitter ha? Pero kasi may crush naman ako. Si Xander Cruz. Kaso alam ko na wala akong pag-asa. Duuh. Maganda naman ako pero hindi ako kapansin-pansin samantalang siya sikat na gwapo pa. Wala na talaga akong chance. Gagawa na lang ako ng schoolworks.

Nang nasa room na ako, puro red na lang ang mga nakikita ko. Pwedeng blue naman? Huhu.

"Bes, ba't ngayon ka lang? Alam mo ba may naghanap sayo kanina."

"Ay. Bes! Sorry naman. Nalate ako ng gising eh! Sino naman ang naghanap sa akin?"

"Secret daw bes eh! Basta pinabibigay niya itong rose at letter. Basahin mo na bes!"

Dear Anica,
Hi! Natanggap mo ba yung rose? Plastik nga yan pero gaya ng pagmamahal ko sayo na parang rose na yan, hindi malalanta. I love you Anica! Sana mapansin mo rin ako!
-XC

"Uyyy Anica! Lumalovelife! ❤" sigaw ng buong klase. Pano ba naman kase isinigaw lang naman ng magaling kong bestfriend ang letter. Tsk -.-

"Sorry Bes! Haha. Ba't namumula ka? Uyy, kinikilig siya!"

"Hayst. Sino ba namang hindi mamumula sa kahihiyan. Eh, ikaw kaya pagsigawan ng MAGALING MONG BESTFRIEND ang ganun!" -__-

"Peace Bes! By the way Kita na lang tayo maya uh? May date pa kasi ako. Bye! "

Pagkatapos ay nawala na parang bula ang bestfriend ko. Ganun naman siya lagi eh. Mawawala kasi may date pa siya. Umamin na kasi ang crush niya sa kanya. Buti pa siya. Haaay! Kailan ko kaya mahahanap ang true love ko?

Kasalukuyang ginagawa ko ang aking schoolworks nang biglang may pumasok ng classroom namin na schoolmates lang namin at nakapula sila.

Teka lang, parang pamilyar... Ah! Tama! Sila yung nagaorganize sa jailbooth! Pero bakit papunta sila sakin? Wag mong sabihin na oh no no no!

"Anica Romero, hinuhuli ka namin sa ginawang pagnanakaw ng puso ni asdfghjkl. "

Hindi ko na sila naintindihan dahil itinali na nila ako at tinakpan na nila ang mata ko.

"Hoy! Pakawalan niyo ko! Ayoko nito. Alam ko namang ipapapunta niyo lang ako sa Jailbooth eh!"

"Sorry miss. May nag-utos lang po. Sumunod na lang kayo. "

Wala na akong magawa kaya sumunod na lang ako. Nararamdaman ko na lang na huminto na kami at nawala na yung mga nasa tabi ko. At may naririnig pa akong nagsasalita.

"Hoy! Saan niyo ba ako dinala. Langya naman pre! Lagot ka talaga sakin mamaya! "

Pamilyar ang boses na iyon. Kaya naman ay tinanggal ko na ang takip sa mukha ko. At pagtingin ko ay si Xander lang pala ito. Ayyy. Wait.... SI XANDER?! OMG! KASAMA KO SI XANDER?! ❤

Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. Nakakunot ang noo niya pero gwapo pa rin siya. Hanggang sa inalis niya na ang takip sa mata niya.

"ANICA?! Sh*t."

Kilala niya ako? Waah! Kilala ako ng crush ko! Nakita ko naman na inayos niya ang sarili niya. Pero ako eto at nakatingin lang sa kanya para di mahalata na gusto ko siya. Haha

"Uhm. Xander? Sino kaya yung nagpa jailbooth sa atin? "

"Ahy Sorry Anica, Gago kase yung mga kaibigan ko eh. Nilaglag ako"

"Ha? Ano yun? "

"Ah wala. Ang ganda mo kako."

Nararamdaman ko na lang na namumula ako dahil sa sinabi niya kaya tinakpan ko sandali ang mukha ko para hindi niya makita.

"Anica, flowers and letter for you nga pala! "

"Uh. Thank you"

Ahy. Eto naman yung rose na ibinibigay everytime sa jailbooth eh. Akala ko naman galing talaga sa kanya. Tumahimik ang paligid namin dahil sa awkwardness. Nabasag ito dahil nagsalita na siyang muli.

"Alam mo Anica, nahulog ako."

"Ha? Nahulog ka? Saan? Nasaktan ka ba? Okay ka lang? "

"*chuckles* Haha. Hindi ko pa nga alam eh. Sana hindi ako masaktan."

Ha? Anong ibig niyang sabihin? Di ko gets.

"Nakasalalay na yan sayo. Basahin mo yung letter. "

Wow! Ang ganda. Kahit Valentine's ngayon, blue pa rin ang lalagyan. Waaah! Favorite color ko.❤

Dear Anica,
Pasensya ka na kung palagi na lang kita sa letter dinadaan. Alam mo kase, nakikita pa lang kita, sa tuwing magsasalita ako nauutal ako. Nakakatorpe kase ang ganda mo eh! Alam mo ba? Kaya ako nag-aral ng mabuti pati naging sikat? Lahat yun ay dahil sayo at para sayo. Na sana mapansin mo din ako. Araw-araw mas lumalalim ang pagtingin ko sayo. Sa tuwing ngingiti ka sa akin, bakla man pakinggan pero kinikilig ako. Makita lang kita buo na araw ko. Kapag may kausap kang lalaki, nagseselos ako pero wala naman akong karapatan eh. Pero let me just show you how I feel. Will you be my girl?
-XC

Waaaaaah! Hindi ko alam ano irereact ko. Pagtingin ko sa kanya, namumula din siya. Haha. Ang cuuuute.

"Xander?"

"A-a-anica?"

"Yes "

"Ha? Pakiulit nga. Ano yun? "

"Sabi ko, Yes as in YES! "

Naririnig ko na lang siyang nagsasabing. "Yes! Yes! I love you Anica! Hindi mo pagsisisihan to!"

Payakap na sana siya sa akin nang biglang may nagharang sa amin at sabay nilang sabing. "Hoy! Tama na yan! Overtime na kayo! Humanap kayo ng kwarto! "

"Mga gago! Tara na nga Anica! " -Xander

"Hi Anica! Akin ka na lang! "

"Anica ang ganda mo! "

"Anica mag-ingat ka diyan! "

Mga barkada lang pala iyon ni Xander. Nagsmile na lang ako sa kanila.

"Ulol! Akin na siya! Alis na nga tayo Anica baka kunin ka pa nila sa akin. Basta simula ngayon, akin ka na. Akin ka lang *winks "

Yieee. ❤ Pagkatapos ay tuluyan na kaming umalis ng nakaholding hands. ❤❤❤

-------------------------------

A/N: Thank you for reading. Vote naman po please.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon