Chapter 30:🎃

50 5 0
                                    

3rd Person's Pov*

Naalimpungatan si Jas dahil sa mga sigawan sa labas.Napatingin siya sa dalawang higaan ngunit wala na don ang dalawa.

Dali dali siyang napalabas sa silid at tumakbo kung saan man yung sumisigaw.

At don sa left corner malapit sa library halos lahat ng natirang estudyante ay nagkukumpulan.

Ano naman bang pakulo to!!sa isip ni Jas.

Maraming mga kababaehan ang nagsitilian at nagsisigawan at karamihan sa kanila ay umiiyak sa takot.Marami ring kalalakihan ang nagulantang sa nangyari.

Wala kang ibang makikita sa kanilang mga mukha kundi takot at pangamba.

Sumiksik si Jas sa mga nagkukumpulan at don tumambad sa kanya ang dalawang estudyante na nakahiga sa malamig na semento na wala ng buhay.

Napakuyom nalang ng kamao si Jas sa nakita.

Kahabag-habag ang etsyura ng dalawang estudyante.Kahit di mo alam ang nangyari sa kanila nong una pero malalaman mo na agad na pinahirapan muna sila bago pinatay.

Ang isang babae ay wala ng isang paa habang ang dalawang mata nito ay nakahawak sa kamay ng bawat isa.Ginupit rin ang bibig nito dahilan kung bakit ito mas lalong lumaki.Habang may malaking butas sa tiyan at wala na don ang lamang loob nito.

Habang sa kaniyang kaliwa ay don mo makikita ang lalaking kalunos-lunos ang sinapit.Wala na itong dalawang kamay dahil pinutol at inilagay sa loob ng tiyan at ang makikita mo lang ay ang mga daliri nito na nakalabas.Wakwak narin ang puso nito habang sa bandang paa niya ay maraming nakatahi na parang manika.Wala narin itong mga mata dahil nakalagay na ito sa kanyang bibig na nakanganga.

Wala talagang puso ang gumawa nito dahil isa silang demonyo!!kampon ni Satanas!!yun ang nasaisipan ngayon ni Jas.

Mas lalong nagliyab ang kaniyang galit sa tatlong demonyo na nagpasimuno dito.

May narinig siyang pamilyar na hikbi at paglingon niya ay don tahimik na umiiyak si Eli.Nakaramdam siya ng awa kaya tinakpan niya ang mga mata nito.

Shhh.don't look.ikling sabi nito saka dahan dahan silang pumunta sa likoran sumunod naman si Sam at ang tatlong lalaki.

Kailangan na ito malaman ng mga pulis or gobyerno.kinakabahang litanya ni Jr.

Napatango nalang silang lahat.
Hindi ito tama kaya dapat malaman na ito kaagad ng mga nakakataas.

Anong nangyari dito?Anong?Gasp*rinig nilang sigaw ni Madame Luiza saka napa gasp sa nakita.Habang ang isang dalaga naman sa likoran ay tahimik na napakuyom ang kamao.

Nagulat siya ng biglang hawakan ng binata ang nakakuyom niyang kamay.

Ngumite ito ng kunti saka binulong ang katagang nagpakalma sa kanya.

Magiging ok rin ang lahat.Di natin hahayaang manalo ang kasamaan.kalmadong sabi nito sa kaniya kaya napangite narin ito kahit sa loob-loob nito ay malapit ng sumabog.

***
A/N:

*Qoutes for the day*

Giving her/him a second chance is like letting yourself getting hurt again.

By:Your Baby Budz

Dec.20,202

THE HAUNTED MANSION(Completed)Where stories live. Discover now