Pagkasirado ng pagkasirado ng dalaga sa pintuan ay pumunta na siya sa sala.

May nakita siyang isang babae na nakasuot ng itim na may black na linings.

Hmm anong klasing kasuotan yan?

Nagtaka ang dalaga kung bakit humarap ang isang babae sa kanya.

Young lady wag daw po kayong lumabas sa Mansion sabi po iyon ni Young master.magalang na sabi nito saka yumuko.

Can i ask?Where did he go?tanong ng dalaga habang nakatingin sa babaeng kasambahay.

Mas lalong yumuko ang babaeng kasambahay.Natakot kasi ito sa dalaga.Postura palang nakakatakot na at napaka ganda nito na at dapat magagandang nilalang lang ang merong karapatan na titingnan siya at sa posisyon ngayon ng babaeng kasambahay ay wala siyang karapatang titigan ng matagal ang dalaga yun ang iniisip ngayon ng babaeng kasambay.

Nasa school po siya ngayon Young lady.pagkasabi na pagkasabing iyon ng kasambahay ay nakatayo siya.

Can you tell me where?sabi ng dalaga habang seryoso paring nakatingin sa babaeng kasambahay.

Sa M.University po Young Lady.saka ito umalis sa harapan niya.

Angela's Pov*

San ko naman kaya yun mahahanap?

Ayts!bahala nanga.Bumalik ako sa aking silid saka naghanap ng maisuot.

Pupunta ako sa kanya baka ano pang mangyari don baka pagalitan pa ako ni Grandma.hays!

May nakita akong bistida na kulay white,2 inches above the knee.

Pwede na siguro to.sabi ko habang pinaikot-ikot ang hanger.

Naghanap naman ako ng maisuot para sa aking paa.

Di naman nagtagal ay nakapili na ako ng color white flat sandal.

I like white.For me white is a symbol of peace and freedom :)

San naman kaya ang paliguan dito?
Ang dami naman kasing pinto sa loob ng silid na ito.-,-

Aha!!pumasok na ako at saka naligo pagkatapos ay naglakad na ako ng nakahubad.Nandon kasi sa bed ang bistida at sandal eh.

Pagkatapos kung isuot ang bistida at sandal tumingin ako sa salamin.

As always maganda parin ako.

You're beautiful my love.hays!naalala ko naman siya.I missed him so much!

Sana mapadali ko ang misyon na ito.Sana nga!

Lumabas ako sa aking silid saka dumeritso sa 1st floor.

Naglakad na ako papunta sa gate nila kaso may dalawang nakabantay.

Hi po.Pwede po ba akong lumabas?.magalang na tanong ko.May edad na kasi kaya dapat ginagalang:)

Sorry Young lady pero mahigpit ang bilin samin ni Young master na di ka pwedeng lumabas.sagot naman nong isang tagabantay na wala ng buhay.

But i need to see him.angal ko naman.Hays!

Sorry pero di talaga pwede Young lady..sabat naman nong isa.

Hello?Where's the manners?di siya yung kinakausap ko.-,-

Then you leave me no choice..seryosong sabi ko saka sinipa at sinuntok silang dalawa.

Nag sign of the cross ako bago lumabas sa gate.

Nako po!Patawanin niyo po ako Jesus.

Saan kaya ako pupunta?mahinang bulong ko saka napalinga linga sa paligid.

May isang bagay na pumura sa harapan ko.

Madame san po kayo pupunta?Sakay na po kayo?nakangiting sabi ng lalaking medyo may katandaan.

Alam ko namang mabait siya kaya sumakay narin ako baka alam niya kung san yung Kyle nag-aaral.

Manong paki hatid po ako sa M.University.magalang na sabi ko at ngumiti.Ngumiti rin siya saka tumango.

After some minutes ay nakarating narin kami.

Bumaba ako sa kanya saka nagpasalamat.Tumalikod na ako pero tinawag niya ako ulit..

Hmm?

Ahmm Ms.yung bayad?nagtataka niyang tanong.

Ah ano pong bayad?inosente kong tanong.Wala pa naman akong dalang gold.Hays!

Ano?Wala ka palang dalang pera.sabi niya na parang nadismaya.Kawawa naman.

Lihim akong gumawa ng gold gamit ang kapangyarihan ko.

Pasensya manong ah ito lang ang maibigay ko sa inyo.Di ko kasi alam kung ano yung pera..ano kaya yun?Gold rin ba yun?

Nakita ko ang reaksyon niyang gulat na gulat.Bakit?Di ba pwede ang gold sa mundo ng mga tao? :(

Ahh ok lang hija,sige sa susunod ulit.Sabi niya saka nakangiti ng malaki.Kahit may malamig sa loob ay marami parin itong pawis.siguro dahil sa matagal na siyang bumabyahe gamit ang bahay na iyon.(kotse)

Nginitian ko siya.Hoh!!buti at pwede pala ang ginto dito.
Tumalikod na ako saka tiningnan ang malaking gate sa aking harapan.

Ganito pala ang paaralan?Wow ang laki naman.Para na itong palasyo.

Pumasok ako sa loob.Wow ang ganda naman ng kasuotan nila.

Habang naglalakad ay di ko mapigilang mailang.-,-

Bat nila ako pinagtitinginan?

Ahh,siguro dahil kakaiba ang kasuotan ko sa sinusuot nila ngayon.At bakit pare-pareho ang mga kasuotan nila?

Mga anghel rin ba sila?Sa langit kasi magkakatulad rin ang aming kasuotan.

Meron din silang binubulong na di ko maintindihan.Di ko nalang ito pinansin.

Ang mas binigyan ko ngayon ng pansin kong nasan si Kyle.

Bat kasi ang la-laki ng mga gusali dito.-,-

***
To be continued...

Angela(Angel On Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon