Martes
Kakatapos lamang ni Diko sa klase niya sa Philo 1 nang maramdaman niyang tinatawag siya ng kalikasan at dahil marami pang tao sa AS, napili niyang sa cr ng CAL nalang muna siya maglalabas ng sama ng loob. Habang siya'y nasa cr, napagtanto niya ang mga pinag-aaralan nila sa Philo 1, nalilito na siya kung iisa lang nga ba ang truth and reality, nasisiraan na siya ng ulo at unti-unti na siyang nahihilo kakaisip dito. Isa sa mga ginagawa niya kapag may mga bagay na bumabagabag sa kanya ay inilalabas niya ito, sinusulat sa journal o kaya sinasabi sa kaibigan. Pero dahil nasa cr siya ngayon, at napansin niya ang mga kabastusang nakasulat sa cubicle na gamit niya, nagsulat nalang din siya sa dingding. Lumabas na siya sa cr dala ang magaang tiyan at mapayapang kaisipan ang tanging iniwan niya lang ay ang vandal na 'Please differentiate truth from reality'.
Miyerkules
Malapit nang matapos sa Bio 102 exam si Aldrin. Minamadali na niya ang exam at hinihintay pa siya ni Christine dahil sabay silang kakain dahil ngayon ang kanilang panglabing-walong buwan ng pagiging magsyota. Pagkatapos ng kanyang exam ay lumabas na siya at agad hinanap si Christine ngunit hindi niya makita. Dumiretso nalang siya sa Katag at baka naroon na siya ngunit pagdating niya roon ay wala din si Christine. Itetext na sana niya ngunit biglang nakita niya na may hindi pa pala siyang nabasa na text ni Christine sa kanya. Nabigla siya sa kanyang nabasa, nakipagbreak na sa kanya si Christine at sinabing may iba na siyang kasintahan. Napamura nalang si Aldrin ng paulit ulit, dumiretso siya sa cr sa CAL dahil nararamdaman niyang tutulo na ang kanyang mga luha. Habang siya'y nasa loob ng cubicle, di pa rin niya mapigil ang umiyak at magmura. Hindi niya akalain na ganoon lang kadali matatapos ang pagsasama nila ni Christine. Sobrang mahal niya si Christine. Napaisip tuloy siya kung ano ba ang nangyayari. Kung totoo ba ang nangyari, baka nagloloko lang si Christine. Habang iniisip niya ito, nakita niya ang isang vandal na nagsasabing 'Please differentiate truth from reality'. Sinagot niya ito, kanyang sinulat 'Maraming truths, isa lang ang reality'.
Biyernes
TGIF. Ito ang nasabi ni Alena nang matapos na ang huling klase niya para sa araw na yun. Maaga silang dinismiss ngayon ng prof kaya tuwang tuwa siya dahil magagawa niya naman ang isa sa mga kinagigiliwan niyang gawin sa UP. Kada buwan kasi, hindi pwedeng walang isang araw na maglilibot siya sa cr ng AS at CAL at magsusulat sa mga cubicle ng mga cr dito. Habang nasa CAL siya, bigla niyang naisipan pumasok sa cr ng lalaki dahil wala masyadong tao at may klase ng mga oras na 'yon. Karamihan ng mga nakita niyang sulat sa cubicle ay puro kabastusan, mga naghahanap ng kasex or ng bj, pero may isang nakakuha ng kanyang attensyon, at yun ang may sumagot sa 'Please differentiate truth from reality' ng 'Maraming truths, isa lang ang reality'. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa nakasulat o maiinis dahil nabobohan siya sa sumagot na parang hindi taga-UP ang sumagot. Kaya dinugtungan niya ng 'Bobo, maraming realities, isa lang ang truth.
BINABASA MO ANG
Truth vs. RealityPanPil17THR1Franco -68494
RandomMartesKakatapos lamang ni Diko sa klase niya sa Philo 1 nang maramdaman niyang tinatawag siya ng kalikasan at dahil marami pang tao sa AS, napili niyang sa cr ng CAL nalang muna siya maglalabas ng sama ng loob. Habang siya'y nasa cr, napagtanto niya...