97

723 17 6
                                    

Vince
Today 7:13 AM

Pre
Pasuyo naman ng gamit ko sa bahay.

Trivo?
Gago umuwi ka muna
Ilang araw ka na diyan sa ospital
Hindi ka na rin pumapasok sa trabaho
Hinahanap ka ng tatay mo
Nag-aalala sayo

Hahanapin pa ako e ang laki laki ko na
Pakitang tao lang yan haha
Tangina
Sige na pre
Di ko maiwan si Rappy rito

Pre naman
Tatlong araw ka nang di umuuwi sa inyo
Hindi pa rin gumigising si Rap?
Yung Mama niya?
Saka si Brant? Wala ba diyan?

Pumupunta rito yung Mommy niya pero
tuwing darating si Brant at madadatnan
siya, pinauuwi muna para sa bahay nila magpahinga.
Minsan dumadalaw rin ang mga
kaibigan niya.
Kaya kapag wala na sila, ako na lang nagbabantay rito.
Hindi ko pwedeng iwan si Rappy.
Paano kapag nagising na siya at
hanapin ako?
Tangina ayoko na umalis sa tabi niya.

Trivo pre
Pre, may buhay ka rin naman.
Sa ngayon, nagamot na siya
ng doktor at hihintayin na lang
siyang magising.
Pwede ka namang umuwi sa
bahay at magpahinga, kumain
at mag-ayos ng sarili, tapos
balik ka na lang kung gusto mo.
Hindi bahay ang ospital.
Hindi kulungan ang kwarto ni
Rappy diyan.
Huwag mong gawing ganoon, Trivo.
Gigising si Rappy.
Magtiwala tayo sa kanya.
Ayusin mo ang sarili mo.
Gusto mo bang paggising ni Rap,
makita ka niyang ganyan?
Baka paggising niya,
ikaw naman ang tuluyang
maospital sa pinaggagagawa
mo sa sarili mo?

Vince
Putang ina hindi ko na talaga kaya
Parang dinudurog nang pino ang
puso ko sa tuwing titingnan ko siyang
nakahiga sa kama, puno ng pasa
at sugat sa mukha at katawan.

Bakit ganun, pre?
Bakit ginawa nila yun kay Rappy?
Ano bang ginawa ni Rap na masama
para gawin sa kanya yon?

Pre, ilang taon siyang inalagaan ng
magulang niya. Mahal na mahal
siya ng mga taong nasa paligid niya.
Tapos
Pucha
Anong ginawa nila?
Putang ina kitang-kita ko kung anong
itsura niya pagdating natin sa warehouse.
Iniwan nila na parang basura lang
ang taong pinahahalagahan natin.
Iniwan nila matapos nilang babuyin.
Putang inang nila.

Gustong gusto kong pumatay, alam
mo ba yon?
Kahit ngayon lang.
Para kay Rappy.
Pero hindi ko hawak ang batas at
kahit kailan, hindi tamang pumatay.
Para na akong mababaliw, Vince.

Kung ganito na kasakit ang nararamdaman ko, paano pa ang Mommy ni Rap?
Paano pa ang nararamdaman
mismo ni Rappy noong panahong iyon?
Lahat tayo hindi inaasahan na
mangyayari yun sa kanya.
Kahit si Rap mismo.
Vince...
Sobrang sakit
Sobrang sakit makita na yung
babaeng pinakamamahal mo,
ganun ang sinapit.

Para akong unti-unting pinapatay.

querencia (G3 Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon