I'm happy... but I wanna be happier.
Some people said, happiness means contentment.
I'm not happy that's why I'm not contented or I'm not contented that's why I'm not happy?
I don't even know.
Masyadong mainit ang panahon sa Pilipinas!
Ilang beses ko nang pinahid ang panyo ko sa aking noo pero tagatak parin ang aking pawis. Pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ko na dahil halos magdadalawang oras na akong nag-aantay ng bus, pauwi sa amin.
Dali-dali akong pumila sa kahabaan ng terminal na ito kanina, matapos tumawag ang aking kapatid na isinugod sa ospital si Tatay. Nagmamadali sa ako pero wala akong magagawa, wala akong sariling sasakyan.
"Roxas! Roxas! Roxas! Lalarga na!", Paulit-ulit na sabi ng kondoktor ng non-airconditioned na bus sa harap ko. Inayos ko ang dala kong isang backpack at pinunasan muli ang asking pawis bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Inilibot ko ang paningin ko para makahanap ng komportableng upuan, pero bigo ako. Mag-iinarte pa ba ako? Nagmamadali na kaya ako! Kung siniswerte ka nga naman!
Bumuntong hininga ako bago umupo sa pinakahulihan na bakanteng upuan. Ayaw ko sana rito dahil masyadong magalaw, ngunit wala akong magagawa. Mabuti nalang at sa may bintana ako naupo.
Halos tatlong oras rin ang biyahe mula sa Iloilo patungong Roxas. Kaya wala akong ginawa kung hindi mag-isip ng mga bagay na gagawin kapag umabot na ako sa amin. Kailangan kong dumiretso sa hospital para may mag-asikaso sa mga kakailanganin doon.
Papeles, pagkain, magbabantay kay Tatay, at pera. Pera ang pinakakailangan ko sa ngayon.
Punong-puno ng mga palayan ang aking mga mata habang bumabiyahe, napakaaliwalas sa paningin ang mga kahoy na hitik sa dahon at binigyan ng lilim ang daan pero hindi parin ako mapakali. My mind was fully occupied of worrying about my father's condition.
Nakatanggap ako ng text mula sa kapatid ko na nasa pribabong silid ma ang aming ama. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil maayos siyang nailipat sa mas komportable na kwarto. Nireplayan ko at tinanong kung anong room number pero wala pang isang minuto ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko.
"Te, sa bahay ka nalang daw muna dumiretso, may mga papeles na kailangang dalhin dito 'tsaka wala kaming dalang mga damit", paunang bungad niya.
"Kung ganoon, sa bahay muna ako at aayusin ko iyon. Kaya baka gabihin ako sa pagpunta diyan sa hospital", nag-aalalang tugon ko naman. Hinihilot ko ang sentido ko habang nagsasalita.
"Walang kaso, Te. Maayos naman na ang lagay ni Tatay at sabi ni Nanay, kung maaari ay ikaw na ang bahala sa panggastos", bumuntong hininga rin ang kapatid ko.
Iyon na nga ang iniisip ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi pa ako sumesweldo pero may kaunting ipon ako para sa mga ganitong sitwasyon. Kung kulang, kakapalan ko na ang mukha ko at hihingi na ako ng tulong sa mga tiyuhin at tiyahin ko kahit na labag sa loob ko lalong lalo na ni Tatay.
"Akong bahala, sabihin mo kay Nanay, huwag siya kamong masyadong mag-isip. I got this, Be." Sabi ko bago pinatay ang linya at tinago ang telepono sa bag para mag-isip ng mga solusyon ko. Inihilig ko ang aking ulo sa bintana ng bus at dinama ang malakas na hampas ng hangin.
Adulthood... Noong bata pa ako, iniisip ko palang na magkakatrabaho ako makakatanggap ng sahod, naeexcite na ako. Akala ko noon, kapag makapagtapos ako ng pag-aaral ay magiging maayos na Ang daloy ng buhay namin. Well, it's true that reality sucks. Mahirap magkaroon ng trabaho ngayon, lalo na dito sa Pilipinas.