Calista Sanchez's Point of View:
"Good morning baby." Bati ni mama pagkababa ko pa lang sa dining
"Morning po." Bati ko pabalik saka ako naupo
"Ma, stop calling her baby na. Ang laki na kaya niyan ni Cali." Sabi ni Ate pero tinawanan lang siya ni mama
"Your Kuya will drive you to the school at magpatulong ka na rin ayosin ang mga papers mo." Sabi ni papa at tumango na lang ako
Lilipat kasi ako ng school kung saan din nag-aaral si Kuya Kendrick. Kasama ko sina Athena at Yesenia na lumipat, third year na kami sa college. Natatawa lang ako sa dalawang 'yon, susunod pa talaga sila sa akin. Kaya lang naman ako lilipat para same school na lang kami ni Kuya tapos nakigaya lang 'yong dalawa.
Si Athena at Yesenia kaibigan ko na 'yong dalawang 'yon since elementary pa. Nasanay na siguro sila na lagi kaming magkakasama kaya ayon, pati paglipat ko ng school gagayahin nila.
Nag-text na rin si Athena na mga 9:00 am daw kami pupunta sa school na lilipatan namin kaya naman nag-ayos na rin ako at inayos ko na rin 'yong mga requirements.
Okay, ang sabi ko 9:00 am pero ito kasing si Kuya masyadong mapagmadali kaya ito kami ngayon nasa sasakyan niya papuntang Salazar Evergreen University. Oh, sino ka diyan? Pak na pak pangalan ng school halatang yayamanin.
Mga 8:30 pa lang nakarating na kami sa SEU kaya sinamahan na ako ni Kuya na ayosin 'yong mga papers ko at 'yong mga dapat bayaran. Sasamahan ko na lang siguro sina Yen at Tina mamaya pagdating nila.
Nang matapos kami sa pag-aayos iniwan na rin ako ni Kuya kasi may kailangan pa raw siyang ayosin. Nilibot ko muna 'yong school nang makatanggap ako ng text galing kay Athena.
From: Athena
Hellooo! Where na you? Dito kami ni Yen sa coffee shop malapit lang din sa SEUTo: Athena
Okiee, on my way na.Lumabas na rin ako ng SEU at totoo nga, malapit lang 'yong coffee shop na sinasabi ni Tina, natatanaw ko na e. Tatawid ka lang tas konting lakad lang nandoon ka na.
I was busy looking at my phone when I bumped into someone. "Shit!" Daing ko nang matapon 'yong kape sa akin, tangina ang init.
Nang matapos akong magpunas ng sarili ko tumingin ako sa lalaking nabangga ko. Gosh, nakakahiya! Ang daming tapon ng coffee sa t-shirt niya. Nagulat naman ako nung tumingin sa akin 'yong lalaki. Ang sama ng tingin niya sa akin.
"Miss, are you fucking blind?!" Sigaw niya at napatalon naman ako ng kaunti
"I- I'm sorry, hindi ko sinasadya, sorry talaga..." I murmured
"Sorry?! You stu–"
"Bro...stop it, she already apologized and it seems na hindi naman niya sinasadya kaya tara na lang." His friend cut him off
The guy I bumped into heaved a heavy sigh and looked me straight in the eyes so I looked away.
"Tss...bwiset." narinig kong sabi niya bago siya umalis
BINABASA MO ANG
Come back to me [ONGOING]
RomanceForgotten memories, forgotten feelings, and forgotten person. Can you bear it? Being forgotten by someone you love the most?