WANNA PLAY?!

2 0 0
                                    

Bata pa lamang ako nang iwanan kami ni Ina. Si Ama ang nagpalaki sa akin at nakasama ko habang ako'y lumalaki. Nagsimula ang lahat noong ako'y anim na taong gulang pa lamang.

--

"Ama, gusto ko ang manikang nakasabit na 'yon" pagpupumilit ko kay ama para bilhin ang manikang pumukaw sa aking mata't atensyon.

"Anak, huwag na lang 'yan. Marami pang mas magandang manika kaysa r'yan" sagot ni ama na para bang hindi sang-ayon sa manikang gusto kong bilhin.

"Ang pangit-pangit niyan 'nak. Hindi ka ba natatakot?" Tinitigan ko si Ama sa kaniyang mga mata at nagpaawa.

Pumayag si Ama na bilhin ko ang manikang duguan ang mukha at nanlilisik ang mata. Jennifer ang naisip kong ipangalan sa aking gusgusing manika. Itinuring ko itong matalik na kaibigan at si Jennifer lang ang gusto kong makalaro at makasama sa araw-araw.

--

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang bangkay ni Ama ay natagpuan sa likod ng aming bakuran. Nakalulungkot lang isipin na binawian agad si Ama ng buhay bago ako makapagtapos ng pag-aaral at sabitan ng medalya.

"Jennifer, ikaw ba iiwan mo rin ako?" Umiiyak ako habang tinatanong ito kay Jennifer.

"Siyempre, hindi" mahinang boses mula sa likuran ko, kung saan nakapuwesto si Jennifer.

Napatitig ako sa mga mata ni Jennifer at ito ang dahilan ng aking pagngiti. Niyakap ko naman siya nang mahigpit.

--

After five years with Jennifer, I decided to marry her. I don't care what others would say, we love each other so no one can stop us.

The doll that my father bought for me when I was a kid is now my wife.

--

Ala-una na ng umaga pero mulat pa rin ang aking mga mata, hindi pa kasi ako inaantok. Kaya pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng maiinom at mangangata sa kuwarto ko.

Naglalaro kami ng video game ni Jennifer habang ngumangata ng chichirya at lumalagok ng malamig na Cola.

"GAME OVER!" Napaluha ako ng makita ko iyan sa nilalaro naming video game. Hindi ko alam kung bakit ako naging emosyonal sa pagkatalo ko sa nilalaro namin.

Muli akong nagtungo sa kusina nang biglang may kumalabit sa aking likuran. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso't binti.

"S-Sino 'yan?" pautal kong tanong mula sa likuran ko. Pero no'ng paglingon ko, si Jennifer lang pala.

"O Jennifer, ikaw lang pala 'yan. Tara manood na muna tayo"

Alasdose na nang matapos kami sa panonood. Naiinip na rin ako kasi wala akong kasama sa bahay maliban kay Jeniffer. Nagbakasyon kasi sila Mama Mirandan at Papa Josh sa probinsya, kasama rin nila si Yaya, kaya dalawa lang kami ni Jennifer ang naiwan sa bahay. Sina Ate Miranda ang mga kumupkop sa akin simula no'ng namatay si Ama. Itinuring nila akong anak at itinuring ko rin silang mga magulang.

--

Alas-tres na ng umaga at nakatanggap ako ng text kay Yaya.

"Wild, wala na ang Mama Miranda at Papa Josh mo"  Pumunta ako sa kuwarto ko at tiningnan ang sarili sa salamin.

humalakhak ako ng malakas habang pinapanood ang repleksyon ko sa salamin.

"MISSION ACCOMPLISHED!" paulit-ulit kong sinasabi sa repleksyon ko sa salamin. Sinabayan naman ako ni Jennifer sa pagsasabi nito ng paulit-ulit.

Maya-maya ay humagulgol ako ng iyak habang ipinapanood pa rin ang repleksyon sa salamin. Niyakap ako ng mahigpit ni Jennifer at pinatahan. Lumabas na muna kami ng bahay para magpahangin.

Habang naglalakad kami sa labas, may nakasalubong kaming isang babae. Umiiyak ito at nagmumukmok sa daan.

"Anong kailangan mo?" tanong ko rito.

"Hiniwalayan kasi ako ng kasintahan ko" mahinang sagot nito sa tanong ko.

"Halika't sundan mo ako"  Pinasunod ko ito sa akin at dinala ko sa isang madilim na hide out ko, kung saan kami madalas maglaro ni Jennifer.

"Maupo ka muna" Nagtungo ako sa kusina para hasain ang kutsilyong gagamitin ko.

"Nakatatakot naman 'yang manika mo"
"A-Ate, ito ba ang tinutuluyan mo?" dagdag na tanong nito.
Ngumiti lang ako r ito at nilapitan siya.

Hawak-hawak ko ang kutsilyo habang nakatutok ito sa kaniya. Nanlilisik ang aking mga mata habang nakapasan naman si Jennifer sa likuran ko.

"A-Ate, anong gagawin mo sa akin?" takot na tanong nito sa akin. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kaba't takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa. Itinarak ko agad sa kaniyang lalamunan ang kutsilyong hawak-hawak ko. Ibinaon ko ng husto hanggang sa magsawa ako.

"Sige pa, itarak mo pa" utos pa sa 'kin ni Jennifer.

Hindi ako nagdadalawang isip na ipagpatuloy ang ginagawa ko, marami-rami na rin kaming nabiktima at pare-pareho lang ang ginagawa naming pagpatay sa kanila.

Sinimulan ko na ring pagsasaksakin siya sa dibdib. Hindi pa ako nakontento, kumuha ako ng itak at sinimulan siyang pagtatagain.

"Ate, anong ginagawa mo sa kaniya"  isang batang lalaki ang sumulpot sa bukana ng pintuan. Mukhang kanina niya pa ako pinapanood sa pagpatay sa babaeng biktima ko.

"Hi, bata. Gusto mo bang makipaglaro sa amin?" tinitigan namin ito ni Jennifer at nginitian.

"Dahan-dahang ipikit ang mga mata,

magmadali at tumakbo kana,

Bibilang ako ng sampo pataas,

hahabulin kita, ibibitin paitaas.

Mga kutsilyong nasa kuwarto ko,

itatarak ko sa lalamunan mo.

Bilisan ang pagtakbo,

baka maabutan kita ginoo.

Sasagasaan ko ang bangkay mo,

nang paulit-ulit.

Hanggang sa magkalasoglasog ito.

Takbo! Takbo! narito na ako!










Written by: Pete Zyaier (my best friend)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANNA PLAY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon