Isa sa mga probinsiyang kumukumpleto sa rehiyon ng MIMAROPA ay ang Romblon, na siya namang perpektong nakapwesto sa mga hangganan ng Visayas at Luzon.
Bantog sa kagandahang taglay ng probinsiya ay kilala din ito dahil sa mayaman nitong karagatan at ang pamosong marmol ng isla.
Binubuo ito ng tatlong isla, ang Sibuyan, Tablas at ang mismong isla ng Romblon, Romblon.
Sikat din sa mga mitolohiya tulad ng ginintuang barko ni Lolo Amang, at sa pamosong Romblon Triangle.
At sa likod ng mga alamat at kathang isip na ito ay may nagkukubling mga istoryang maka-panindig balahibo na naghihintay na lamang maungkat...
sa tinakdang panahon...
Simulan na natin...
Mil Nueve Siyentos Noventa y Dos...
Kakaupo pa lamang sa posisyon ng dating pangulong Fidel V. Ramos noon sa puwesto, bilang pangulo sa pagkakatanda ko.
Na kung saan talamak pa ang pagpunta ng mga pilipinong skilled worker sa mga ahensiya upang makapangibang bansa, at noong panahong iyon ay in demand pa ang bansang Saudi sa mga skilled workers.
Natatandaan ko pa noon na na-obliga akong mangibang bansa papuntang Saudi para maghanap ng swerte sa buhay, at nang makaranas naman kami ng asawa kong si Rogelio ng maginhawang buhay bago kami tumanda, lalo na't hindi pa kami nabibiyayaan magkaroon ng supling.
Taong mil nueve siyentos noventa y uno, isang taon bago ako mangibang bansa ay na'diagnosed si Rogelio na mayroong CHD o Coronary Heart Disease sa madaling sabi "sakit sa puso".
Hindi siya puwedeng mapuyat, hindi siya puwedeng mapagod ng husto, at lalong hindi siya puwedeng magalit o ma-stress, dahil delikado ang mga bagay na iyon na maaring humantong sa atake sa puso na talaga namang kilalang uri ng sakit sa pagkitil ng buhay sa maraming tao sa buong mundo.
Mahal na mahal ko ang asawa ko at dahil dito ay binaligtad namin ang aming siste, dahil sa kanyang kondisyon ay napilitan akong magtrabaho mamasukang factory worker sa Saudi, dahil mas malaki nga ang bigayan sa ibang bansa, mas mainam ito para maipagamot si Rogelio sa kanyang sakit.
May dalawang taon ang kontrata ko sa napasukang kumpanya, mas mabuti na sigurong ganito kaysa wala kaming kitain pareho sa Pilipinas.
Noong unang mga araw ay sobrang nangungulila ako sa ibang bansa, aaminin ko na hindi ganoon kadali mawalay sa mga taong mahalaga sa'yo...
lalo na sa taong mahal mo.
May mga naging katrabaho din ako na hindi kinaya ang homesick at tila ba nababaliw na hindi na din sila makausap ng matino, nauubliga tuloy silang pauwiin ng mga employer dahil hindi na angkop ang nasira nilang pag-iisip sa kalungkutan ng pagkakawalay sa pamilya...
masyado silang na-depress sa pangungulila.
Kung minsan nga ay parang gusto ko na tuloy umarteng kunwari ay nababaliw din upang mapauwi na din ako ng aking employer kaso natatakot din ako dahil babae ako at baka gahasain lang ako ng mga arabo, kilala pa naman ang bansang ito sa pagiging mahilig sa laman.
Wala akong ibang magagawa kundi tapusin at pagbutihin ang trabaho ko.
Noong naka isang taon na ako sa trabaho ko ay nasanay na din ako sa buhay sa gitnang silangan, at pinapalad nga naman na nakabili kami ng lote sa Romblon, sa may isla ng Tablas, sa may Alcantara, medyo malapit ito sa may Capili.
Minabuti kong dito na lang bumili ng lote at magpagawa ng bahay dahil sa mura ang lupa dito sapagkat medyo liblib at tago, at talaga namang masukal.
BINABASA MO ANG
Baranggay Chronicles: Huni ng Pabo
TerrorAnong gagawin mo kung nakulong ka sa loob ng bahay mo kasama ang isang aswang?