Katakot takot nga naman
ang mabuhay ng mag isa.
Bakit iba ang dating sakin
ng mga storya na binasa.Sa akin ay katatawanan
sa iyo ay kalungkutan.
Kapag kayo ay nagtatawanan,
bakit ako laging naguguluhan.Iba ang aking storya
sa iyong natatanging kwento,
para bang sibuyas
na hiniwa ng martilyo.Sa gitna ng aking pagtutulad
malaki parin ang pagkakaiba.
Sa aking mga letra na sinulat
ay di mapatakpatakan ng luha.Pakiramdam ko ay iniwan na ako,
ng mga tao sa paligid at
gumawa ng ibang grupo.bigyan mo ako ng atensyon.
Tignan mo naman ako.
Para akong nanlulumo
sa likod ng madaming tao.Hindi ka naman interesado
sa kulay ng tinta na aking dugo,
at kamay na siyang gumuguguhit
sa iyong pusong walang kibo.Kaya ngayon ako'y nagdududa
kung susulat pa ba ako ng tula.
Kung hindi din naman uulan
Saan aabot ang pagasa.Napapaisip ako ngayon
kung lalagyan ko ito ng ritmo,
o baka maging tula na lang ito
parang patay na anyo.Matagal ko nang naintindihan
na iba't iba ang mga tao,
ngunit katakot takot nga naman
kung may sarili akong mundo.
BINABASA MO ANG
Espasyo
PoetryJokes are subjective. That's why some people are often offended even though most people find it funny. Most people wouldn't understand my humor and it makes me think that it is really scary to live alone.