Love Letters

903 31 2
                                    

Lucy Heartfilia's POV

"There are two things that motivate me to wake up. The sound of my alarm clock and your name in my heart. Good morning, beauty. See you later."

Napangiti na naman ako habang binabasa ang sulat na nasa locker ko.

Another letter from my secret admirer. But I know someone who might be the one who's sending those letters. Si Joshua Gomez.

Namumula na lang ang mga pisngi ko tuwing mababasa ko ang mga sulat na natatanggap ko galing sa kanya. Tuwing makakasalubong ko naman siya o nakakausap, pinipigilan ko na lang ang makilig at mapatili.

"Hi Lucy!" Napatingin ako sa nagsalita.

Nakita ko si Joshua na nakangiti at pumunta na sa upuan niya para umupo. Kung pwede lang sanang sumigaw, siguro ay ginawa ko na.

"Lucy." Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Oh? Best! Good morning!! Late ka ngayon ah."

Siya si Natsu Dragneel, bestfriend ko since grade five.

"Nahuli kasi ako ng isang teacher na nagkalat eh." Sabi niya sakin at tumawa na naman.

"Yan kasi. Iwasan mo kasi maging naughty." Sabi ko naman sa kanya at tumawa na rin.

Bestfriends na kami ni Natsu since grade five at kahit kailan, di kami naghiwalay nito. Kung lilipat siya ng school, lilipat din ako. Tumawa na lang kami ng sabay.

"If someone will ask me who will I choose between GOD and YOU.. I will choose God....... because...... GOD GAVE ME YOU.. Eat your lunch, my love. See you later.." Pagkatapos kong mabasa ang sulat na ito, napangiti na naman ako.

"Lucy." Napatingin ako kay Natsu na tumawag sakin.

"Oh? San tayo maglulunch Best?" Tanong ko dito.

"Happy Lunch, Lucy." Bati ni Joshua.

Dumiretso na rin to sa locker niya na parang walang pakialam kung sasagot ako sa bati niya o hindi, pero kinilig parin ako kahit na ganun. I swear! Siya talaga ang secret admirer ko, kaya napangiti na lang ako. God! Baka mamatay ako sa kilig!

"Tara, kain na tayo." Sabi ni Natsu na muntik ko ng makalimutan ang presensiya niya.

"Tara na nga." Tugon ko sa kanya.

Kumain kami ni Natsu at tumambay saglit bago pumasok sa susunod na klase.

"Good afternoon, class." Bati ng adviser namin.

"Good afternoon, Ma'am." Bati din namin sa adviser namin.

"Class, I'm here to let know that will going have a party for this coming Valentines Day at 7:00 ng gabi yun magaganap." Panimula ni ma'am.

Pinag-usapan naman namin kung ano ang isusuot at iba pang mga bagay. Lahat daw ay dapat sumali.

"LOVE is sweet when it's new, but it's SWEETER when it's true,just like my love for you. Good bye. See you at the parking lot." Yan na naman ang magical love letter.

"Bye, Lucy." Sabi ng nakangiting Joshua sakin at umalis kaagad.

Siguro naduduwag lang talaga si Joshua para sabihin sakin ang nararamdaman niya. But i find it very romantic. Parang mas gusto muna niya akong patayin sa kilig bago gumawa ng mas romantic pang mga moves.

"Let's go home, Lucy." Yaya ni Natsu sakin at inandar na niya ang kotse niya.

Sasabay kasi ako sa kanya ngayon at pupunta kami sa mall. Magmomovie marathon kasi kami. Kailangan kasi naming bumili ng mga pagkain. Kung nagmo-movie marathon kasi kami ni Natsu nagmamarathon ang bunganga namin sa pagkain.

Fairy Tail: Love Letters (Nalu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon