napasapo nalang ako sa noo ko habang pinagmamasdan ko ang isang sulat na pinadala sa akin. mula pa kasi kaninang umaga kabado na ako. at hindi naman araw araw na may darating sa pinto ng aking tinitirhang apartment at sasabihing may padala ako mula sa aming probinsya. sa sobrang kaba ko, hanggang ngayon di ko magawang buksan yung sulat pati narin yung kahon na kasama nito.
dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko, napagpasyahan ko munang pumunta sa kusina at maghalungkat sa fridge ng makakain. nakakita ako ng isang bote ng cheese whiz at yung tirang loaf ng tasty ko kanina sa almusal.
bigla akong napangiti sa naalala ko. noon, nung nasa highschool pa lamang ako ayoko ng cheese. sobrang hindi ko kasi gusto ang lasa. masyadong ma-krema. lalo na yung cheese whiz syempre. pero dahil sa naging bestfriend kong si nate, natutunan ko nang magustuhan yun. favorite nya kasi yun eh.
noon, kada hapon pagtapos ng klase pupunta kami sa bahay nila. magmemeryenda bago maglaro. nung una hindi sya kumakain ng keso at nagpapalaman ng ganun kasi nga ayaw ko pero isang araw naglakas loob syang titigan ako sa mata at biglang sumigaw..
" gusto ko na kasi ng cheese whiz! gustuhin mo narin! daya mo namang bestfriend eh! "
tawa ako ng tawa matapos yun kasi napaka babaw at nakakagulat na bigla nalang syang sisigaw ng ganoon. matapos ng pagsigaw nya ay sinubo nya sakin yung kaunting piraso ng tinapay na may palaman. noong una, ayaw ko pero di nagtagal nagustuhan ko nadin. siguro kasi nakasanayan ko na.
nang matapos kong palamanan ung loaf ko ng tinapay ay ininit ko na yun sa oven at nagtimpla ng kape. kinuha ko ang tinapay matapos ko marinig ang bell na hudyat na tapos na yung minuto na nilagay ko para mainit yun.
naupo ako sa high chair na nasa bar counter ng kusina ko habang binubuksan ang laptop ko. napagpasyahan kong baka sakali mawala ang kaba ko pag inokupa ko ang utak ko ng kung ano ano.
naghanap ako ng mapapatugtog na kanta mula sa music folder ng aking laptop para mejo umingay ang paligid at mawala ang tensyon na aking nararamdaman. tensyon na hindi ko maisip bakit at para saan.
sa paghahanap ko ng kanta, isang pangsayaw na kanta ang aking napili. pinlay ko ito at akmang kinuha ang tinapay na aking ininit.
habang kumakain di ko nanaman naiwasan na maalala si nate dahil sa kinakain ko nanaman ang paborito nya. nang matauhan ako sa kung anong mga iniisip ko, napa balikwas ako ng tayo dahil naiwan ko nga pala sa kabilang parte ng kusina yung tinimpla kong kape. dahil sa napabalikwas ako, napindot ko tuloy yung ibabang bahagi ng laptop. yung mga arrow, nalipat ko ang kanta dahil dito. biglang nagplay yung sumunod na kanta.
nung una kitang makilala di man lang kita napuna
di ka naman kaso ganun kaganda, diba
simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sayo
di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito ..
ako'y napa isip at biglang napatingin
di ko malaman kung anong dapat gawin ..
napahinto ako sa paglakad nang marining ko ang kantang naiplay ko. ang paborito naming banda noon. parokya ni edgar. madalas, kapag nagdadala ako ng gitara noon sa school, mga kanta nila ang naiisipan naming kantahin. dahil sa ako yung marunong maggitara, madalas nagrerequest sakin ng kanta kahit yung mga lalaking kaklase. lalo na't di ko basta basta pinapahiram yung gitara ko. nagagalit pa nga noon sakin si nate kasi minsan akong pinagkaguluhan ng mga kaklase naming lalaki para magpaturo na mag gitara. pinalis nya silang lahat at hinatak ako papunta sa may puno sa damuhan sa school. sabi pa nya noon..