Nagising ako dahil sa sakit ng sugat. Ahhhh!walangya. Triny kong bumangon pero agad din akong bumalik sa pagkahiga.Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa may naa-alala ako. Yung anak ko!
Pinilit kong bumangon pero ang hirap. Kailangan kong huminga ng pagkalalim lalim at sinubukan ko ulit bumangon papunta sa baba.Okay naman na. Kaya ko na kahit may kunting hilo. Nasan na ba yung anak ko anong oras na. Hala wait!yung trabaho ko ohmygod!. Bahala na, uunahin ko muna anak ko.
Pagkababa ko nakita ko syang kumakain kasama ni..oh?nakalimutan ko nandito pala ang lalaking to, na hanggang ngayon hindi ko pa kilala. Ano ba Maggie!ba't kasi ang tanga, hindi muna kilalanin yung tao ehh. Napailing-iling nalang ako sa katangahan ko.
Lumapit ako sa kanila hanggang sa napansin ako ng anak ko.
"Mommy, goodmorning" ..ang saya ng batang ito.
"Hmm. Goodmorning baby". Sabi ko at tumingin sa lalaking ito.
"Morning"..I said and smiled a little.
"Goodmorning"..reply nya.
"Mommy, bakit ka pa bumangon eh may sakit ka po?"..inosenting tanong ng anak ko.
"Nag-aalala ako na baka ma late ka sa klase mo"..sagot ko naman.
"Okay lang naman mommy ehh. Ang init mo at maputla ka po. Mamaya nyan hindi na ako makakalapit sa sobrang hot mo" ..natawa naman ako sa sinabi nya. Hot daw?ang arti ng anak ko.
"Tsaka sabi ni daddy sya na lang daw maghahatid sa akin sa school"..napatingin naman ako sa manok nato. Binigyan ko sya ng isang ngiti and I mouthed thank you. Tumango lang naman sya bilang welcome. Suplado!
"Oh sige na anak. Baka ma late ka pa"..sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.
"I'll be back"..nagulat naman ako sa sinabi ng lalaking to. Weh?anong I'll be back?ano yun?bakit?
"Ay mommy, tinawagan ko pala yung amo mo. Sabi ko hindi ka makakapunta kasi may sakit ka. Sabi nya mommy okay lang daw basta magpapagaling ka".. hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ng anak ko kaya tumango na lang ako, nabagabag ako sa salitang I'll be back.
"WAAAAHHHHHHHH"..sigaw ko ng napagtanto ko kung ano ang ibig sabihin non. Tumakbo ako papunta sa kwarto, kahit ang sakit ng sugat ko hindi ko na ito pinansin. Bahala ka dyan!sugat ka lang.
Tinakluban ko nang kumot ang katawan ko at pumikit. Bakit ganito?excited akong bumalik sya. Sa sobrang excited ko inaantok na ako.
---------
Naramdaman kong parang may taong nakatitig sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. At nakita ko si ano, hindi ko maaninag ang mukha nya kasi inaantok pa ako. Ahh ewan sino to at may binulong sya sa akin. Boses lalaki.
Ingatan mo ang sarili mo please. Hindi kita palaging maipagtatanggol sa mga kaaway mo. Kaya sana, mag-ingat ka. Hihintayin kita. Hihintayin ka namin.
Ano bang sinasabi ng lalaking to?hindi ko maintindihan. Anong hihintayin?hindi ako umalis no para hintayin nya ako. Bwesit.
Pinikit ko ang mga mata ko at kasabay ng pagbukas ng mata ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok si manok, may dala dalang pagkain. Nasaan na yung lalaki kanina?nananaginip lang ba ako?weird.
"Gising ka na pala"..sabi nya at umupo sa kama.
"Ahh oo?"..Tss, kita mo namang gising na nagtatanong pa. Jusko nagtatanong ng obvious. Anong oras na ba?tiningnan ko yung cellphone ko at pakshettttt!alas tres na nang hapon?ganon ako katagal nakatulog?hala!yung anak ko.
"Eat this, para may laman ang tyan mo. Hindi ka pa kumakain simula kanina then inumin mo din tong gamot"..nabalik ako sa ulirat ng magsalita sya. luh!ba't ang bait netong lalaking to?
"Okay, salamat Mr?"..tanungin ko na pangalan nito. Ang awkward makausap ang taong hindi mo naman kilala no, ni pangalan man lang nya diko alam . Dito na nga sya natulog at kumain tapos. Bastaaa.
"Quinn. I'm Quinn Dee Smith".. pagpapakilala nya at inabot pa yung kamay nya sakin para makipagkamay, alangan namang para sampalin ako diba?Inabot ko naman ang kamay nya at nagpakilala.
"Marga. Marga Rein Isidro"..ngumiti naman sya at anak ng!ba't may pagngiti?ngiting wala din na mang kwenta kasi alam mong plastic, hindi abot sa mata. Pero binawi nya din agad yung ngiti.
"Pero seriously?Candy talaga pangalan mo?"..natatawa kong tanong. Hahaha putcha!Candy?matamis ba sya?ahh este anong klaseng candy ba?hahaha.
"It's Quinn Dee not Candy"..he corrected me at halata mong nainis sya dahil sa pagtawag ko ng Candy sa kanya.
"Yeah, yeah. But I wanna call you Candy. Kasi matamis hahaha"..sabi ko at naiinis na talaga sya.
"Just eat nalang okay?we're not that close para magbiro ka ng ganyan sa akin"..sabi nya and that made me shut up. Okay, suplado ng candy nato, kainin ko sya dyan eh, makita nya.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Nawala na yung lagnat ko tsaka ang baho ko na. Si Candy?ayun umalis pagkatapos ng sinabi nya kanina. Supladong Candy.
Nung tapos na akong mag-ayos , oo mag-ayos talaga kasi susunduin ko na ang anak ko uwian na nila, tapos kailangan ko pang puntahan yung amo ko at kailangan kong magsorry dahil absent ako today.
Pagkababa ko sa hagdan, shocks! Oo nga pala may hagdanan kami haha. Akala mo naman grabe kataas yung hagdanan sa bahay. Jusko dae!
Nakita ko si Smith na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. Wow ha?feel na feel na bahay nya to. Nung napansin nya 'ko, agad nyang pinatay yung tv. Huli ka na boi pero hindi ka kulong.
"Where are you going?"..makapagtanong jowa?jowa ka?
"School"..maikling sagot ko.
"What?nag-aaral ka?"..wow ha?problema ba nya?parang hindi ako nakitang nakauniform ng pang nurse hahaha.
"Nope. Susunduin ko si Apple, uwian na nila"..sagot ko na natatawa. Aba ang bwesit inikutan lang ako ng mata. Dukutin ko yang mata mo ehh. Kainis!suplado.
"I'll go with you"..sabi nya at kinuha yung bag nya na nasa mesa .
"Hindi pwede" ..agarang tanggi ko.
"And why?"..hindi lang mata nya dudukutin ko pati kilay nya kikiskisin ko rin. Nakakainis!taasan daw ba ako ng kilay?mabait lang pala tung mokong nato pag nasa harap yung anak ko. Walang kwenta. Walang utang na loob sa nagligtas sa kanya.
"Alam mo bang nakakainis kang Candy ka?" ..inis na sabi ko sa kanya.
"Oo alam ko. Dahil marami ng nagsasabi sa akin nyan. At isa pang tawag mo ng Candy. Makakatikim ka talaga ng Candy na matamis. Let's go"..sabi nya at tinalikuran na ako. Bwesittttt!Wala kang utang na loob Smith. Ay mali. Ako pa pala yung may utang sayo dahil sa pag-alaga mo. Pero bwesit ka!
YOU ARE READING
The Baby Has Stolen
HumorMarga Rein Isidro wanted to find a job. Pero iba ang nahanap niya. Hindi job kundi bata. Will she be a good mother to the stolen baby?. Will the baby find his real family?. Will Marga Rein give up the baby to the real family?. What if she loves the...