Possessive 24

5.7K 238 50
                                    

Possessive 24: OutRage

Drip's Point of View

"What Happened? Inaway ka ba niya?" Tanong ni Janus nang pumasok kami sa loob ng kwarto.


Umiling ako at pasimpleng pinunasan ang luha sa mata. "H-hindi. Inaantok pa kasi ako tapos ginising niya ako."


"Sigurado ka ba? Sabi ni Tito, hindi raw umuwi kagabi si Kuya. Akala ko may away kayong dalawa kaya ganoon," tanong niya uli.


"H-huh...O-oo. Lasing kasi kaya pinatulog ko na lang sa kaibigan niya."



"Sigurado ka ba talaga? Eh bakit ka umiiyak?"



"Inaantok pa kasi ako, Janus."


"Okay okay fine," pagsuko niya. "Basta kung may hindi kayo pagkakaintindihan eh pag-usapan niyo. Andito lang ako."



Sana nga...sana maayos pa iyon ng pag-uusap.



"Saan pala kayo pupunta? I heared na papasyal daw kayo?" Pag iiba niya ng usapan.



Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "A-ah oo... Doon sana kami sa tagaytay pupunta. Maganda raw kasi roon. Makakapag unwind ako," sabi ko at kumilos na para maalis sa isip ko ang mga nangyari.


"Well, that's a good idea. College ka na kaya kailangan mo yan," sabi nito. "Anyway, gusto ko sanang sumama sa inyo but i have so many things that i need to accomplished. Alam mo na...business life," dagdag pa niya.



"Next time sumama ka ah?" Sabi ko habang nakatalikod.


"Sure, I promise. Goodbye! See yah next time, Drip!" Pagpapaalam nito sabay labas ng kwarto ko.


Doon bumagsak ang balikat ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Pumasok naman sina Shine and Sean habang nakatingin sila sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi mapabuntong hininga para pagaanin ang loob ko.

"Ano? Game ka pa ba?" Tanong ni Shine.


"Y-yeah," sagot ko sabay tango.


"Wait ka namin dito. Mag ayos ka na." Sabat naman ni Sean.



Ngumiti ako at kumuha ng mga dami at gamit na gagamitin ko roon. Pagkatapos ay nagpunta na ako sa banyo para maligo. Doon kasabay ng tubig na dumadaloy sa katawan ko, ay siyang paglabas na naman ng luha sa akin.


Ngayon naiintindihan ko na, kung bakit maraming may gusto ng ulan. Dahil sa ulan, hindi mo mararamdaman ang pagtulo ng luha sa pisngi mo. Sasabayan ka pa nito sa pagbuhos ng mga tubig na siyang nagsasabing may karamay ka.


Makalipas nang ilang minuto ay pinatay ko na ang seradura ng shower. Naramdaman ko ang namuong lamig sa katawan ko dulot ng pagligo. Kinuha ko ang pampunas at unti-unting natuyo ang mga patak ng tubig sa bawat parteng nahahagip nito.


Nang makapag ayos na ay saka ko lang hinarap sila Shine. Umakto akong parang walang nangyari kanina.


"Tara na? Baka matraffic pa tayo eh," sabi ko sa kanila.


"Sure ka na ba—"


Tinakpan ko ang bibig ni Sean. "Oo kaya tara na."


Nagkatinginan ang kambal at sabay na nagkibit balikat. Nilagay na namin sa likod ang mga gamit namin at agad na sumakay sa loob ng sasakyan. Mabilis namang pinindot ni Shine ang radio.


Desire Series 1: Possessive Brother (BxB) Revised (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon