Sabi nila before 16 daw, you've already found your partner in the future. Pero ako, hindi ako naniniwala dun! Like, bakit ako maniniwala don? Di ko pa nararanasan at saka wala pang nagsasabi sa akin na totoo nga iyon. And also, I'm 16 already...
Isa pa, ang mga lalaking lagi kong nakikita at nakakasama ay daddy ko, syempre saka yung siraulo kong boy bestfriend at mga lalaking kaklase ko syempre.
"Hoy kupal!" Okay, still remember the tone of his drum-like voice. Yeohan.
"Ano na naman?!" Inis kong sambit dahil sure na ako na aasarin lang ako ng kupal na 'to. Pero syempre, lalaban tayo. Nasa ilalim ako ng puno malapit sa soccer field dito sa school. Dito ako lagi natambay kapag breaktime at gusto kong mapagisa. Lalo na at lagi akong napapagalitan ng teacher naming bruha.
"Grabe ha, highblood. Sige, alis na ako." Paalam niya. Tamo 'tong lokong 'to, siraulo talaga!
Hay pestee!
"Tamo, tatawag tawag ka tas aalis ka den, siraulo ka din eh 'no? Sabihin mo na kase, lokong 'to."
Siya si Yeohan, ang pinakamatalik at pinakamatagal kong kaibigan since high school. Halos nalimutan na ako nung mga classmates ko nung elementary eh. They don't even like me back then. Hindi ko nga alam kung bakit at paano ako natagalan ni Yeohan eh.
I'm not beautiful as goddess.
I'm not intelligent like Einstein.
I'm not as perfect as God but I know naman na walang perfect na tao sa mundo, what I mean is yung katawan at itsura ko, hindi perpekto.
I'm stupid.
I'm dumb.
In short, for me, I am nothing.
But, hindi ko sinusukat yung sarili kong kakayahan lalo na yung talino sa iba. May kani-kaniya tayong nalalaman at iba-iba yon.
"Hoy! Kanina ka pa nakatulala, natapos at natapos ko na yung mga sinasabi ko, hindi ka pa rin naimik!" Biglang imik ni Yoyo (Yeohan) kaya napapitlag ako ng bahagya.
"Ay anak ka ng tipaklong sadya! Sorry na, chill ka lang yoyo." Sa loob loob ko ay tumatawa na ako magisa dahil yung itsura niya, hahahaha! Ayaw niya kasing tawagin ko siyang yoyo kesyo raw parang laruan ko lang siya, but I don't consider him as laruan. He's my bestfriend, my jewel, my yoyo, my Yeohan.
"Stop it." Biglang seryoso niyang ani.
"What?" Pagmamaang ko, alam ko namang yung yoyo ang tinutukoy niya.
"Stop calling me that thing." Gagi ang cute niya ahhaha sarap asarin lalo.
"Ano bang itinawag ko sa'yo ha?"
"Yung pangit mong tawag sakin!"
"Eh ano nga yon ha?"
"Yuyu." Nakanguso niyang banggit.
"HAHAHAHAHA!" nauutas na ako sa kaniya, hindi pa rin niya mabanggit nang ayos ang "yoyo". May halong korean ang lokong 'to pero yung mga kilos niya is pang Pilipino kasi dito siya lumaki sa Pilipinas.
Pero ewan ko kung bakit kahit nandito na siya namumuhay ay pilipit pa rin yung dila niya sa mga ibang words.
"Hay nako, bahala ka, tara na!" Angil niya habang natawa ako saka ako hinila.
"Teka lang yung gamit ko mananabog!" Bumitaw ako dahil aayusin ko muna ang mga gamit ko saka tumayo nang maayos.
"San tayo pupunta?" Tanong ko habang nagsasabit ng bag sa balikat pero hinila niya ito at kinuha ang bag ko.
YOU ARE READING
Building Love
Teen Fiction"As long as I can breathe, I'll love protect, care and love you forever. I will always be by your side even we're not strong enough to face all the battles in front of us, We'll still keep on fighting. We're meant to head together the way to forever...