Chapter 1

5 4 0
                                    

Chapter 1




"Kenneth, My things are ready. Pakikuha sa taas para makaalis na tayo." Tamad kong sabi sa kanya habang pababa ako ng hagdan.

"Hihintayin pa natin si boss-"

"Kung gusto mo maiwan ka para hintayin siya kasi ako, aalis na ako." Pagpuputol ko sa kanya.

"Pero di ba nasa kanya pa ang mga papers mo para sa lilipatan mong school?"

Umiling ako. "Ninong jorge can help me. Ipadala nalang niya doon, gusto kong umalis ngayon na."

"Sige. Kukunin ko lang ang gamit mo." Tumatangong sabi niya.

Lumabas ako para sandaling magpahangin. Ngayong lilipat ako ng bahay ng kinakabahan ako. Mabuti sana kung dito lang iyon sa manila pero hindi, dahil probinsya ang lilipatan ko.

Sana mas masarap ang hangin na naroon sa pupuntahan ko. I feel soffucated here that I can't breath on my own.

"Arat na!" Nakangiting sabi ni kenneth habang naghihintay sa akin na makapasok ako sa sasakyan na maghahatid sa amin sa lugar na pupuntahan namin.

Daddy told me that it was very relaxing and peaceful place, naisip ko tuloy kung kasing ganda ba ng paraisong nakikita ko sa isip ko ang lugar na iyon. Mababait kaya ang mga nakatira? May magiging kaibigan kaya ako?

Nasabi rin ni daddy na iyon ang lugar kung saan siya lumaki at kung saan sila nagkakilala ni mommy. Iyon daw ang lugar na nakasaksi ng pagmamahalan nila.. tanging lugar na may alam kung paano niya minahal si mommy.

Tulog ako buong biyahe dahil hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Mula ng sabihin ni dad na pansamantala muna akong uuwi sa sa bicol dahil sa malabong dahilan na hindi niya masabi sa akin. Naiisip ko tuloy kung may itinatago sa akin itong si ferdinand. Daddy ko.

Hindi ko alam kung ilang oras ang binyahe namin hanggang sa magising nalang ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko.

"Nandito na tayo." Ani kenneth habang nakangiti.

Nakapikit akong humikab at nag-inat bago tuluyang lumabas ng sasakyan. May mga taong nakatingin sa gawi namin habang ibinababa ni kenneth ang mga maleta ko sa compartment at backseat ng sasakyan.

"Saan ba dito 'yon?" Tanong ko sa kanya habang nagpapalibot ng tingin sa buong lugar. "Malaki ba ang bahay? May sarili ba akong kwarto?"

Itinuro niya ang puti at may kalakihang ngunit halata na ang katandaan ng bahay na hindi kalayuan mula sa kalsada at nasa gilid ito ng isang malawak na bukid. Lupain na pag-aari ni mommy.

"Iiwan ko nalang dito ang sasakyan dahil dadaanan din naman ito ng tauhan ng ninong mo. Lakarin nalang natin malapit na rin naman." Sabi ni kenneth.

Tumango ako saka nagsimulang maglakad papunta doon ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Woi! Parang ang konti naman ng gamit mo at ayaw mo akong tulungan!" Sigaw niya.

Nakangiwi akong bumalik sa kanya at kinuha ko ang pinakamaliit sa mga bag na dala ko at muling naglakad.

"Wow! Ang laking tulong!" Sarkastikong sabi niya.

"Tulungan na kita, papunta rin ako kay nay mercy eh." Sabi ng boses ng lalaki na hindi kona pinag-aksayahang lingunin.

Magpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa nakabukas na gate na agad kong pinasok. Parang wala namang tao-

"Haaaay! Naku, nandito kana pala! Ang laki muna!" Anang may edad na babae sa akin habang pinagmamasdan ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FOOLISH HEART [LVS #2] (ON GOING)Where stories live. Discover now