"Kari, sino ba mga gwapo dito sa school natin? Yung S-class beauty ha." sabi ko sabay kuha ng ballpen at notebook. Ililista ko mga kagwapuhan dito sa school namin.
"Ba't mo natanong?" sabi niya sabay baba noong salamin sa mismong desk nito. Tumingin siya saglit sakin 'tsaka kinuha nito ang liptint sabay apply sa labi na masyado ng mapula dahil sa kakaappply.
Walang emosyon ko lang siyang tinitigan. Kelan ba to mauumay sa mukha nito? Kada oras na lang nagsasalamin e at nagliliptint. Tanungin niyo nga ako kung umay na ba ako dito? Malaking OO talaga, umay na ako sa pagmumukha nito sa totoo lang. Ba't ko ba naging kaibi—
"Hoy! Ba't mo natanong! Tameme ka naman sa kagandahan ko e." sabi niya saakin sabay hagik-ik. Napabalik naman ako sa realidad at muntik na itong mabatukan sa kakapalan ng mukha.
Ngumisi ako sa kanya at lumapit sa pagkakaupo para ibulong ang mga oplan ko. "Gusto ko silang isa-isahin." sabi ko sabay kagat-labi. Kinikilig ako e. Ay yawa! Kalimutan ko na apakapangit ko maglipbite! Parang lamok ganun.
"Ha!? Papatayin mo ba sila!?" sigaw nito kaya sinapak ko na. Shempre malutong itong napaaray! Napatingin ako sa classroom baka may nakarinig sa himpokretang babaeng to! Tinakpan ko ang bibig nito at pwersahang binulongan.
"Ano ka ba! Baka magpakamalan akong murderer dito!" sabi ko sa kanya. Pilit naman siya kumakawala sa pagtatakip ko ng bibig sa kanya. "Baka mabenta nila pinagsasabi mo. Kaya kalma ka lang!" inis na sabi ko. "Okay. Ganito kasi yan, what I mean kanina is gusto ko silang maging lovers ganurn." confident kong sagot. Pero parang may mali yung sinabi ko kaya nagsalita ulit ako. "I mean, gusto kong maging lover nila ako." yikes!
Kinawala ko na siya matapos makitang tumitirik na ang mata. Hinabol naman nito ang hininga at inis na bumaling saakin. Ngumisi naman ako na tila napaka bright idea ang mga sinabi.
"Gaga ka ba!?" inis niyang sinabi saakin. "Saan mo ba yan nakuha yang idea na yan ha!?" bulong niya saakin. Bubulong din naman pala e. Naparoll eyes na lang ako sa kabubuhan niya. Edi shempre galing sa akin, ang genius ko kaya!
"Girl, akala mo ba sa internet ko lang to kinuha yung idea? A big NO! Galing yun saakin no. Galing ko diba?" confident kong sabi pero sinapak lang niya ako sa balikat.
"Girl, baka tulog ka pa sa pinagsasabi mo ha? At tsaka di ka mapapansin nila no? Karamihan sa mga gwapo dito may mga jowa na." sabi nito sabay tingin sa kuko. "At yung mga sinasabi mong pang S-class ang beauty? Nako di mo sila ma reach out no. Di nga ako pinapansin ni Daemon e to think may itsura naman ako." sabi niya saakin habang nakatingin at parang kontrabidang napasmirk. Ay yawa! Gusto sigurong mawala friendship namin nito e! Supporta lang yung gusto ko e!
"Kapal muks, di ka din kagandahan oy." bulong ko pero agad din bumaling sa kanya. "Scratch na yung may jowa na. Di naman ako hampasoil para umagaw ng may jowa no. Di ako mang aagaw oy!"
"E ano naman purpose mo diyan ha? Di naman siguro yan mabubuo kung walang dahilan." sabi niya.
"You know, gusto kong maenjoy Senior High ko kaya iisa-isahin ko na sila. Kung sino yung mahuhulog saakin ng todo siya na ang endgame ng Senior High ko. Ganun lang! Gusto ko lang maexperience yung mga nakikita ko sa drama! Yuuuun lang!" sagot ko sa kanya pero ang gaga napanganga sa sinabi ko. Di niya nakaya!
"Ang powerful mo ha. Grabe yung confidence mo e no" natatawang sabi niya kung di ko lang pinigilan baka bumuhakhak na ang gaga.
"Gusto ko lang naman maexperience yun! Magcocollege na tayo sa susunod na pasukan. Magfofocus ako sa pag-aaral at di na makapaglandi, gaga! So dapat dito pa lang na experience ko na pero ba't ganun wala!? Kaya ako na ang didiskarte!" gusto ko talagang iprove na maganda tong idea na to. Teka ba't ako nanghihingi ng approval sa gagang to? Parang ganun na kasi ginagawa ko e.
"Ah... bahala ka sa buhay mo kung ano man mangyari sayo. Di ka pa naman kagandahan baka mabully ka sa mga fans ng kada heathrob diyan. At wag mo akong idamay!" sabi niya saakin.
"Mas gusto ko yan! Parang sa k-drama lang." naeexcite na sabi ko. Actually, kahit di ako maganda nirerespeto naman ako ng mga studyante dito. Friends ko nga lahat ng nasa classroom e! That's a truth tho. Ano kaya ang feeling na binubully tapos may oppa na tutulong sayo? Ay yawa kilig!
"Okay, ililista ko lahat mamayang gabie. Masyadong marami e." sabi nito saakin kaya napapalakpak na lang ako.
"Salamat talaga, Kari!" sabi ko sa kanya saka siya sinapak. Kahit liptint lang ang gaga mahal ko yan!
Eww.
Excited akong pumasok ng classroom kinaumagahan, maypahumming pa akong nalalaman kaya nagtaka ang mga kaklase ko. Di ko na lang sila pinansin kasi masyadong maganda ang umaga ko para pansinin sila. Charr! Ganda ka te?
Tiningnan ko ang upuan ni Kari, at viola! Winawagayway pa ng gaga ang isang kaperasong yellowpad sa ere nang makita ako. Inapproach ko agad siya at agad hinalbot ang papel.
Nalula ako sa super rami! Ang daming oppa naman itoooo~ kyah
"Ang rami naman nito. Lalo akong na excite." sabi ko sa kanya. Umupo na ako sa desk na katabi lang kay Kari. "Baka matapos na lang ang Senior High ko hindi ko pa to sila malalandi." dugtong na sabi ko.
Nag-smirk ang gaga saakin pagkarinig sa sinabi ko at nagsalita. "Gaga! Taas ng confidence ah. Eevaluate mo na lang yung iba diyan baka may di ka gusto diyan. Iba-iba pa naman yung mga taste natin." sabi niya.
Aba naman! Baka ang ibig sabihin ng gaga ang iba dito ay yung mga type niya? I mean mga taste niya? Baka may magic sarap dito ha! Nako... Yawa joke lang. Hehe!
Nagkalumbaba na lang ako sa sinabi niya. "Okay. May mga section ba ang mga ito?" panigurado ko. Kakapagod maghanap!
Siguro ievaluate ko na lang muna sila, pero shempre mas laki ang chansang mapalista pagtype ko! Excited na tuloy ako! Teka, kelan ba ako magsisimula?
"Kari, Tulongan mo ako mag evaluate ha." sabi ko sa kanya. "Gwapo ba 'tong Yuhan?" tanong ko sa kanya.
Nangasim ang mukha niya sa narinig. "Diba sabi ko naman sayo—." di ko na siya pinatapos at naglabas agad ako ng atm card. "Shempre may kabayaran yung pagtulong mo! Ano ka ba!" sabi ko sa kanya.
Biglang naging pera naman ang mga mata nito at napakaobvious ni gaga na mahilig talagang magpalibre. "Segi!" naging maganda naman ang mood nito pagkatapos. Wow! Kung di lang talaga siya masyadong maalam sa ganitong bagay di ko talaga to papansinin!
"So, ano na? Gwapo ba itong Yuhan na ito?" tanong ko ulit. "Maganda ba ugali nito?"
"Gwapo siya at medyo magaspang lang ang pag-uugali." sabi niya.
Okay din yung ganyang mga personality ng tao. Malay mo gaya ng mga drama sa telebisyon ay magbago siya? At shempre ako 'yong magpapabago! Aye!
May mga isinulat ako kagabie kung ano yung mga gagawin ko upang ma-execute ng maayos ang plano.
Una, dapat nagpaganda muna ako pero since dapat pa pala ievaluate ang mga oppas so sinet-aside ko na lang muna ang pagpapaganda. Serve the last for the best! Echos.
Pangalawa, shempre kada oppa may mga plano pa yan. Every oppas dapat may ganap! At since, may ieliminate kami sa listahan kasi ang dami po, mamatay na lang ako di ko pa sila malandi lahat. At shempre dapat remarkable happenings dapat ang magaganap oy!
Iyon lang muna since 'yon lang ang nalista ko kagabi. Nakatulog ako ng maaga kagabi dahil sa kakaisip ng paraan.
Napag-isipan namin ni Kari na bukas na lang magevaluate sa mga oppas. At yes naman, sumang-ayon naman ako dahil medyo nawalan ako ng gana sa sobrang dami. Kung wala lang 'tong gagang to di ko siguro to maeexcute. Salamat gaga!