Prologue

31 2 0
                                    

Naranasan mo na bang ma in love sa BESTFRIEND mo?

'Yong simula nang dumating siya, naging masaya ka.

'Yong everytime na magkasama kayo, feeling mo buo na ang araw mo.

'Yong akala ng iba ay kayo dahil sobrang sweet niyo.

At dahil sa sweetness niyo, pati ikaw, umasa na.

Umaasa ka na balang araw ay masuklian niya ang pagmamahal na binibigay mo.

Pero paano?

Paano niya masusuklian kung sa simula pa lang ay hindi naman niya alam?

Paano niya malalaman kung sa simula pa lang ay wala kang balak na umamin?

Pero naisip mo na rin ba na balang araw ay mahuhulog din siya sa iyo?

Umasa ka na din ba na balang araw ay magiging kayo?

Ako kasi, oo. At nagsisisi ako.

Bakit ba ako umasa kahit alam ko naman na sobrang labong mangyari ang bagay na iyon?

Kasalanan ko naman hindi ba?

Masyado akong umasa sa bagay na walang kasiguraduhan.

Oo, kasalanan ko..

Ako, si Mitch Pauleen Collins. And I,

I Met My Guy Best Friend...

I Met My Guy Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon