Maraming speculations kapag sinabi mong no boyfriend since birth ka:
Strict ang parents?
Walang nagka guts manligaw?
Hindi ma-appeal?
Pihikan?
and worst...
Maybe you're a lesbian.
Pero para sa akin, ang sagot ko dyan NONE OF THE ABOVE.
Hi, My name is Alessandra Femme Castillo, 23, writer, no boyfriend since birth. Hindi strict ang parents ko, may nagkakamali din namang manligaw sa akin, sabi naman nila pretty daw ako, hindi din naman ako pihikan, at mas lalong hindi ako lesbian. Wala lang, wala lang talaga akong maramdaman. Study first before lovelife, 'yan ang naging motto ko my entire life. Pero ngayong tapos na ako ng college, wala pa rin akong boyfriend. Wala talaga akong maramdaman eh, manhid? Hmmm... 'di rin naman. 13 years old lang ako nang una akong maligawan. Naaalala ko pa nga crush na crush ko ang taong yun. Crush ko 'yun since grade 5. 10 years old lng ako nun, pero nang nag high school na ako't nanligaw siya sa akin, 'di ko rin sinagot. Ah, mali. 'Di ko pala talaga pinansin, ever. Hanggang napagod na lang siya kakapunta sa classroom ko para suyuin ako. Dalawang buwan lang yun, sumuko din siya. Sayang kung iisipin, chance ko na yun eh. Crush mo na ang lumapit. Pero ayaw ko kasi sabi ko, "study first". Nung taon din na yun, may nanligaw din sa aking isa pa, bukod sa "study first", ayaw ko kasi kaibigan ko siya. Nang mag 3rd year high school naman ako, may nagka crush sa akin. Gusto manligaw pero 'di maka "the moves" kasi feeling niya 'di ko siya papansinin. Eh 'di pa nga naka umpisa sumuko na. Naging crush ko naman din yun later on, naging patay na patay nga ako sa kanya eh, kaya tinanong ako ng isang bestfriend ko,
"Pa'no kung manligaw na talaga siya sa'yo? Sasagutin mo?"
Sumagot ako nang walaaaaaaang pag-aalinlangan. "Hindi".
"Huh? Bakit?" Tanong niya.
Sabi ko naman, "14 lang kaya ako. Saka mag-aaral pa ako nu."
Ganyan ako katapang at katatag pagdating sa love. Kahit gaano pa kita ka-gusto, hinding-hindi matitinag ang prinsipyo ko.
May mga sumunod pa dun, hanggang sa nag college ako. May gwapo, may cute, may 'di gaano pero ma-appeal, may mayabang, may sobrang bait, may hopeless romantic, may persistent, may jamming lang. Pero wala. When I turned 20 sabi ko, "sige, susubukan ko". Sinubukan ko. Wala pa rin. Walang maramdaman si Alessandra.
Minsan din naman napapaisip ako. Ano nga ba ang feeling ng in-love? Pakiramdam ko ka korninhan lang naman ang lahat nang yun. Naiinis ako pag nakakakita ako nag mga PDA. Hindi ba sila nagsasawa sa isa't-isa?
Kiss nang kiss, parang wala nang bukas.
Hawak nang hawak sa kamay, 'di naman 'yan tatakbo.
Akbay nang akbay, parang nakainom.
Ang babae, yakap ng yakap. Ang OA naman yata.
Selos? What's the point? Insecure?
Lahat nang 'yan, 'di ko pa nararanasan. At kung magkaka boyfriend man ako, ayoko ring maranasan lahat nang 'yan. Gaya nga nang sabi ko, kakornihan lang naman lahat ng 'yan.
But things are about to change...
BINABASA MO ANG
Confessions of a No Boyfriend Since Birth
RomanceMaraming speculations kapag sinabi mong no boyfriend since birth ka: Strict ang parents? Walang nagka guts manligaw? Hindi ma-appeal? Pihikan? and worst... Maybe you're a lesbian. Pero para sa...