Nagulat ako at napabangon ng tila wala sa oras s tunog ng alarm ko. Bagong umaga, at tila bagong buhay na rin. Tumunganga ako sandali habang nakaupo sa kama. Hindi ako makapaniwala. Ilang oras lamang ang lumipas natatawag ko pang single ang sarili ko. Ngayon, "in a relationship" na. "Hindi na ako NBSB?", wari ko sa sarili ko. Mangiyak-ngiyak, sabi ko ulit sa sarili ko, " hindi na ako NBSB". Parang bata akong naglungkot- lugkutan. Nakakapanibago. Pero sa kabila nito, parang wala namang nagbago. Ako pa rin ito. Ano ba ang espesyal sa pagkakaroon ng boyfriend?
Tahimik pa rin akong nakaupo sa kama habang binabalikan ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ako nakatanggi. "Hindi pa ba talaga ako nakakapasok diyan sa puso mo?", mahinang tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa mumunti naming sala. " Meron bang iba?", dugtong niya. Tahimik akong nakikinig sa mga tanong niya. Hinawakan ko ang kanang pisngi niya at sinabing "Wala. Ikaw lang".
"Tapos yun na yun?", sabi ko sa sarili ko. "Ganun lang kasimple may boyfriend na ako? Agad-agad?".
Napaisip ako. Mahal ko ba talaga ang taong to? Hindi kaya nabigla lang ako kaya sinagot ko siya? Masayado ba akong nagmadali? Sa kabila ng mga tanong kong ito, sigurado ako sa Isa. Ayaw ko siyang mawala sa tabi ko. Habang nag-iisip ay napagtanto kong parang korni naman yata ng nangyari kagabi. Hindi ko lubos maisip na nagawa kong makipag-usap sa ganoong paraan. Sa tuwing nakakarinig ako ng ganitong kwento mula sa mga kaibigan ko, nakokornihan talaga ako. Pero heto ako ngayun at pinagdadaanan ang estoryang dati kong kinaririndian. Ang korni talaga, pero saka na ito. Oras na para bumangon.
BINABASA MO ANG
Confessions of a No Boyfriend Since Birth
RomanceMaraming speculations kapag sinabi mong no boyfriend since birth ka: Strict ang parents? Walang nagka guts manligaw? Hindi ma-appeal? Pihikan? and worst... Maybe you're a lesbian. Pero para sa...