[1] IIOAD

39 4 1
                                    


"Let's break up"

A tear fell. Ang sakit. Parati na lang.. mahirap ba akong mahalin.. why do i always fail? Why do i always fail to be loved.. di naman siguro ako nagkulang, diba? Pinadama ko naman eh, binigay ko pa nga buong pagmamahal ko.. pero bakit pinagkait saakin ang mahalin?

'Di ba ako kamahal mahal?

"S..steve." sambit ko habang umaagos ang mga luha.

"It's not working. I'm sorry"

"May mali ba sakin? Meron ka bang hindi nagustuhan? Sabihin mo. Babaguhin ko. Para sayo."

"No. Your perfect. It's just that.." napabuntong hininga sya "..you don't deserve me.."

Matapos nyang sabihin yun umalis na sya palayo.. at naiwan akong luhaan..

Lagi na lang. Parati na lang nila akong sinasaktan.. lagi na lang nila sinasabi na hindi nila ako mahal..

Nakakapagod na. Gusto ko nang sumuko.. sobra.

Napaupo na lamang ako sa sahig habang yakap yakap ang aking mga binti.. ayaw tumigil ng luha ko sa pagbagsak, para silang nakikipagkarera.. ang sakit lang talaga.

Ayoko pang tumayo, ngunit bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan.. at least may karamay ako. Sa pagbagsak ng luha ko ay nakiramay ang ulan..

Pilit akong tumayo kahit nanginginig pa ang tuhod ko.. para naman akong lumalakad na walang buhay, pero kailangan ko nang umuwi baka magkakasakit pa ako, ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko..

Nakarating na rin ako sa kotse ko at sumakay. Napabuntong hininga na lamang ako ng makita ko ang kwintas na ireregalo ko dapat sa kanya..

Pinaandar ko na ang sasakyan at nagsimulang magdrive. Medyo di kita yung daan dala na siguro ng malakas na buhos ng ulan at madilim na rin..

Habang ako ay nagdadrive ng payapa. Nadaanan ko naman ang isa ice cream parlor.. may naalala tuloy ako..

"Ice cream?" Tanong ko.

"Hindi. Hot cream yan. Hot cream." Pamilosopo naman nya.

Bwiset talaga 'to. Tss.

Tiningnan ko lang yung offer nya.

"Hindi yan mauubos, kung tititigan mo lang." Sambit nya

"Anong gagawim ko dyan?" Tanong ko ulit

"Subukan mong kausapin, baka sagutin ka nyan. Malamang kainin. Lumuwag ba yung turnilyo mo jan sa utak mo? Mukang di na gumagana eh.."

Okey. May point sya. Tanga nga naman. Tsk!!

"Minsan lang ako manglibre. Tanggapin mo na.." dagdag pa nya

Nginitian ko muna sya at nagthank you saka ko tinanggap ang ice cream..

Naaalala ko nanaman sya. Sya yung first love ko. He's just my second heartbreak.

He's name is Timothy. This was happened when I was high school. 1st year pa lang ako 'non at transferee ako. Walang lumalapit sakin dahil napakaweird ko daw. Ang tahi-tahimik ko raw. Eh nahihiya ako eh, at mahina ang loob ko.. suddenly, he approach me one day..

"Janna, right?" Tanong ng isa kong kaklase

Tumango lang ako

"Hello!! I'm Timothy!! At your service!!" Masiglang pagkikilala nya

"Ah." Yun lamang naisagot ko, nahihiya ako..

"Suplada." Aba! Binulong nya pa rinig ko rin naman!! Tsk.

"Feeling close" Sabi ko

"Pakipot" sabi din nya

"Pwede ba? Tigilan mo na lang ako?"

Nakakairita na sya.. kabanas.

"Hindi pwede."

"Bwisit."

"Ma'am!! Bad word."

"Walang teacher."

"Nakikipag kaibigan ako. Ba't ang sungit mo?" Tanong nya

"Ayoko ng kaibigan. Ba't ang FC mo?"

"Bahala ka nga dyan" Sabi nya at umalis na sya.

Ilang beses syang lumapit sakin nun para makipagkaibigan pero itinataboy ko lang sya. Pero hindi sya tumigil at tinanggap ko na lang ang alok nya.. naging magkaibigan kame, habang tumatagal nag iiba yung tingin ko kay timothy. Pinilit ko pigilan 'yon. Pero wala eh. Tuluyan akong nahulog.

Nung nag 4th year na kame, plano ko nang umamin. Kaso nanghihinaan ako ng loob, eh. Pinalipas ko muna ang panahon hanggang sa dumating ang araw na pinakilala nya sakin yung babaeng mahal nya. Lubos akong nasaktan nun.. kaya nakipagkita ako sa kanya para umamin.. alam kong huli na ang lahat, pero umaasa akong may pag asa pa kameng dalawa...

"I love you" sambit ko

Nanatili lang syang nakatingin sakin, at halatang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Cliche. Right? It's a common case. Falling in love with your bestfriend. There'll be two outcomes. Whether you'll love me back or I'll end up crying with some reasons.."

"Janna"

"But my hopes won't die for the two of us."

"I love her..." sambit nya. Ang sakit sobra. Titiisin ko 'to. "..very much"

Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko.

"You're like my sister. And you're special. But, she is the girl that I wanted to be with. Sorry"

"B..but you said you love me"

"Yes. I love you cause you're my bestfriend."

Mas lalong umagos yung luha ko. Ayokong masira pagkakaibigan nami. But, in my case. Kailangan ko na lang syang layuan for me to move on..

Napailing na lang ako sa tuwing naaalala yun.. bata pa ako nunng mga panahong yun.. hindi pa bukas isipan ko..

But, he's just the second. My first heartbreak is my parents. We used to be so happy before. Very perfect family. But then, nambabae si papa tapos iniwan nya kame ni mama. Hindi kinaya ni mama ang sakit kaya nagpakamatay sya. Sobrang sakit. It doubled the pain nung mawala si mama.. ba't nya ako iniwan? Di man lang ba nya naisip na may isang rason pa syang mabuhay. I was so young that time. And it's hard for me to understand things. Tumira ako sa lola ko, maayos naman ang buhay ko kay lola. But it seems like i don't exist. She's supporting everything, but not the attention..

Nakapagtapos ako sa pag-aaral. And I'm working on our own company. Patay na si lola. Kaya nasaakin ang mana.. since ako lang namam ang apo ni lola..

Kaya naman ganun ang pagtrato sakin ni lola kasi galit sya sa tatay ko.. umpisa pa daw, ayaw na ni lola kay papa. Pero wala nang magawa si lola kasi nagpakasal na sila ni mama.. hindi nya matanggap ang pamilya namin. Kaya pinutol ni mama ang ugnayan nila ni lola.. pero nung nalaman ni lola yung ginawa ni papa, eh mas lalong nagalit si lola dumagdag pa yung pagkamatay ni mama dahil kay papa.. kaya walang nagawa si lola kaya kinuha nya na lang ako. Para na rin daw sa nanay ko..

My life right now was a success.. but it was filled with pain..

Di ko na namalayang naluha na pala ako.. mas lalong hindi ko na maaninag ang daan dahil matubig ang mga mata ko. Pero...

*Beeeeeeeeeep*

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Is Only A Dream [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon