CHAPTER 3

11 2 0
                                    

CHAPTER THREE

SERENITY'S POV.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang dito na ako mag-aaral ngayong pasukan. Sobrang laking at sobrang ganda ng University na ito. Tapos nakilala ko pa si Aiden.


Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina sa School Office. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya ulit. Siya pala yung School President ng University na ito ayon sa Punong guro ng paaralang ito. Matalino din yun panigurado.



Habang naglalakad palabas ng gate ay naalala kong hindi nga pala ako susunduin ni Kuya Khalil ngayon. Pinilit ko pala yun na wag ako sunduin ngayon. Mag-aantay nalang siguro ako ng taxi.



Habang nag-aantay ng taxi ay naisipan kong libangin muna ang sarili ko. Kinapa ko sa loob ng bag ang aking cellphone. Nang makuha ko na ito ay bigla kong napagtanto na nag-iisa lang pala ang cellphone ko sa loob ng bag at wala nang ibang laman yun. Sinigurado ko ulit kung may ibang laman pa ba ang bag ko maliban sa cellphone pero wala na talagang laman yun.


'Yung wallet ko!'


Nanlambot ako bigla nang maisip na hindi ko pala nadala yung wallet ko. Paano ako makakauwi nito? Wala pa naman akong kilala dito, wala akong mahihingan ng tulong. Nagsimula na akong kabahan dahil doon.



'Panibagong katangahan na naman ang ginawa mo ngayong araw, Serenity!'


Huminga ako ng malalim, nagbabakasakaling kumalma yung puso ko. Pero mas lalo lang itong bumibilis. Napaupo na lang ako sa malapit na upuan dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dahil sa sobrang panghihina. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Kung tawagan ko nalang kaya si Kuya Khalil? Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag. Ngunit sa kasamaang palad ng buksan ko ito ay dead bat na pala ito.


Bakit kasi ngayon pa ito na lowbat? Halos maiyak na ako ng maalalang nakalimutan ko palang icharge yun kanina.


'Ang tanga tanga mo talaga Serenity kahit kailan!'




Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling tulala doon. I just came back to my senses when I realized that it's almost dark.




"Anong gagawin ko ngayon?" Mangiyak-iyak na tanong ko. Nagbabakasakaling may sasagot o tutulong man lang sakin sa problemang katangahan ko din ang may kasalanan. Pano na ako makakauwi neto? Malapit ng magdilim kaya panigurado ay nag-aalala na sina Tito't Tita sa akin.




Napalingon ako sa gate at napansin kong unti-unting nauubos ang mga estudyanteng lumalabas ng Campus pero ako ito andito parin at wala paring maisip na solusiyon sa problema ko. Pinagtitinginan na tuloy ako ng ibang estudyante dito. Pinabayaan ko nalang sila na tignan ako na parang isang nakaaawang nilalang. Mas iniisip ko talaga kasi ngayon ay kung paano ako makakauwi nito.





Mayamaya pa ay napansin kong biglang nagbulongan at parang may pinagmamasdan yung mga estudyanteng kagaya ko na naghihintay dito. Tinignan ko kung sino ang pinagmamasdan nila at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko na iyong gwapong lalaking kumindat sa akin kanina sa School Office pala ito.




Ibinalik ko sa mga estudyante ang tingin ko. Makikita mo talaga sa mga mata nila ang sobrang paghanga dahil kahit sa simpleng paglalakad nito ay sobrang gwapo na. Akala ko kasama niya si Aiden pero mag-isa lang pala ito. Taas noo itong naglalakad na parang isang model at nakapamulsa pa parang wala itong pakialam na maraming nakatingin sa kanya. Sanay na siguro ito sa dami ng atensiyong nakukuha niya. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa taong yan?




Chasing Love (On Going)Where stories live. Discover now