Chapter 2

7.6K 448 187
                                    

Saglit lang akong nag stay sa infirmary dahil ayaw naman ng makipag chismisan ni Nurse Shane sa akin. Marami raw kasi siyang tinatapos lalo na't pina-file at sort niya 'yong mga medical records ng freshmen at ilang transfer student ng university, kasama na ako roon.

Dahil mag la-lunch na ay napag disisyunan ko nang lumabas narin ng infirmary pero ganoon na lang ang pagkailang ko ng pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa marble na sahig ng university na ito ay grabe na ang tinginan sa akin. Ang iba ay gulat na gulat pa na makita ako.

Ano mga 'te? Alien kayo? Walang lalaki sa galaxy niyo? Kaloka!

"Is he gay?" Lalagpasan ko na sana ang mga bwiset na 'to ng hindi sinasadyang marinig ko ang tanong na iyon.

Aba naman! Porket ako lang ang lalaki rito, pagkakamalan ninyo na akong bading?!

"I don't think so. Masyado siyang gwapo and neat. The way he walks din ay hindi naman ganoon kalamya" sagot ng isa. Napangiti naman ako sa sinabi nito.

Very good! Dapat ganiyan ang mga mindset. Hindi masyadong judgemental at baka ma-minusan sa langit.

"Then maybe he's a closet one?"

Aba naman talaga! Ayaw talaga paawat ng gagang 'to! Pag ika'y nasabunutan ko makikita mo ang closet na wala ng pinto pero may salamin.

"Mukha bang may artista rito sa corridor?" Tanong ng may kalamigang boses.

Bakit ganoon? Karaniwan sa mga nababasa kong story ay cold ang characteristic ng isa pang bida. So, it means 'yong nagsalita ay isa rin sa bida bukod sa akin?

Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Paanong magkakaroon ng isa pang bida eh ako nga ang main character? Ano naman pati ang gagampanan niya sa story ko? Jowa ko? Yikes!

Dahil sa biglang entrance noong babae na 'di ko na binigyang pansin nor nilingon man lang ay pinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa cafeteria. Nag aalisan narin naman ang mga tao kaya medyo at ease na akong magpagala gala. Natakot ata sa babae kanina kaya hindi na ako pinapansin na dapat lang dahil hindi naman ako ulam para pag aksahang tignan at nasaan! Charrr!

Pagkapasok ko sa cafeteria ay hindi pa gaanong karami ang estudyante na nandoon. Siguro 'yong iba ay nag-gala pa para malibot ang buong univ na gagawin ko rin naman mamaya dahil hindi na talaga ako papasok sa lahat ng klase ko ngayong araw. May excuse slip naman ako kaya may pang dahilan ako.

Lumapit ako sa counter at tinignan ang pagkaing inooffer nila sa menu nilang pina flash sa screen ng TV. Sosyal 'no? Ang techy ng univ na 'to kasi lahat din ng announcement ay pinapakita lang sa screen. Ilang screen na nga ang nadaan ko kanina. Hindi uso sa kanila 'yong ipopost pa sa bulletin board and such. Pag pinapatawag ang students, sigaw ka lang din sa mic na nasa control room at lahat ng room ay makakarinig sa sinasabi mo. Pwedeng pwede 'yon sa mga nag haharutan lalo na kung mag coconfess sila sa kras nila tapos sasabihin "tol, mahal kita!" yikes!

"Anong order mo, Sir?" Tanong sa akin ng nag bantay kaya napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano.

Nginitian ko naman ito at pinasadahan ng tingin. Medyo okay naman na itsura niya pero mukha siyang mas bata sa akin.

"May lugaw po kayo?" Tanong ko. Nangunot naman ang noo nito sa sinabi ko pero hindi ko pinahalatang pinag titripan ko siya.

"Lugaw po? Wala po kaming inooffer na gano'n, Sir dahil maaarte po ang nag aaral dito" saad nito. Tumango tango naman ako at iniikot ang paningin ko sa mga taong kumakain.

Kita ko nga sa tray nila na puro mamahalin ang inorder nila. 'Yong iba ay nasa presyong 300-500 para lang sa isang slice ng cake na hindi ka naman mabubusog.

Pretender (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon