Epilouge

21 3 6
                                    

(A/N: Please play Kabilang Buhay by Bandang Lapis while reading this part, thank you!!)

CRIS

Its been one year and still, nothing have changed. Except for the fact that Lily isn't waking up.. and Claide... nevermind.

Right now I'm already taking psychology as my course. I know that my skills will help me to advance to this course kaya pinili ko to.

Its already 3 pm. Kailangan ko ng umuwi. Pero bago yun, may tatlong lugar pa kong kailangang puntahan.

Sumakay na agad ako sa kotse ko at nag drive.

While driving, napadaan ako sa school namin dati. This school.. the school that we have so many memories.. the three of us..

I smiled weakly. Hindi ko kasi alam kung ngingiti pa uli sya ng ganon sa kagaya ng ibinibigay nya noon.

I sighed at nag drive na uli.

Pagkatapos ng ilang minutong pag dridrive narating ko na rin ang pupuntahan ko.

"Salamat po." Sabi ko sa tindera na nag bibili ng bulaklak at mga kandila.

Pagkabili ko ay dumiretso na agad ako sa puntod nya..

Ibinaba ko ang hawak kong bulaklak at sinindihan ko ang hawak kong kandila.

"Claide.. kumusta kana?  Happy Birthday nga pala. Birthday mo na ngayon ah.. ang bilis ng isang taon." I said preventing the tears that is forming in my eyes. "Akala ko naman pag namatay ka, gigising na agad sya, pero bakit ganon? Bakit.. bakit parang parehas kayong patay? Sabi ng doctor, maayos daw ang operation pero 50/50 parin ang chance na magising sya. Claide, bakit ganon?" I said as I cry.

Ang hirap pala noh. Ang hirap na yung mga taong minahal mo at pinag katiwalaan mo, bigla nalang mawawala sa tabi mo. Ganon ako eh. Yung isa.. namatay.. at yung isa.. buhay nga pero malabo ng magising..

"Claide, baka naman pwedeng gisingin mo na si Lily.. ipinapangako ko, susubukan ko.. susubukan kong pasayahin sya.. tutuparin ko ang mga hiling mo.. basta, magising lang sya.." sabi ko sabay iyak.

Nagtagal din ako dun ng isang oras.
"Claide.. dadalaw uli ako sa sunod ha. Sa ngayon, kailangan ko munang umalis." Sabi ko sabay tayo.

Nagmaneho lang ako ng nag maneho hanggang sa marating ko ang paroroonan ko.

'Tuazon's Hospital'

Nandito ngayon si Lily.. bawat araw hinihiling ko na sana.. na sana magising na sya, na sana bumangon sya uli at tumawa na parang walang nangyari.

Malapit na ako sa room ng makita kong nagkakagulo ang mga doctor at nurse dun.

'What the hell is going on?'

"Nurse, ano pong nangyayari?"

"Yung pong patient sa room 404 nagising na po."

'404? Gising na si Lily?'

Dali dali akong pumunta sa room nya, at dun ko sya nakita. Gising na gising sya, habang minomonitor ng mga doctor. Pero ang mga mata nya, sobrang lungkot.

The Psychometric's Girl ( Mind Series #1 )Where stories live. Discover now