HOPE, LOVE AND FAITH

20 4 0
                                    

[SIMULA]
....................

Dumadating talaga tayo sa punto na alam natin kung nasaan tayo ngunit hindi natin alam kung ano bang meron. At bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon.

Katulad na lamang ngayon, alam kong nasa hospital ako, nag papatingin kung ano bang sakit ang dinaramdam ko ngayon. Ngunit bakit nga ba umabot sa punto na magkakasakit ako?. Hindi ko alam.

"Ms. Julia Cruz." Tawag ni Doc. Villarez sa pangalan ko.

"Yes Doc?" tugon ko.

"Sa kabuohan, tingin mo ay parang normal lang pagiging makakalimutin mo at pananakit ng ulo mo, ngunit lingid sa iyong kaalaman ay nakakaranas at meron kang Brain Tumor. Which is Headaches that gradually become more frequent and more severe. Unexplained nausea or vomiting."

Hindi ako agad naka pag react sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Napatitig ako kay doc at sunod sunod na napalunok.

"Excuse me Ms. Cruz that is your result." At may inabot siya sa aking sobre ng puting papel, nginitian niya ko saka siya nag lakad papalayo.

Mabilis kong nilisan ang hospital na iyon at agad na tungo sa parking lot.

Masiyado yata akong na i-stress sa mga nalaman ko. At habang patungo sa kotse ko ay dumodoble ang paningin ko saka ako napa hawak sa sintido ko at nahihilong napahiga.

Hindi ko naramdaman ang pag bagsak ko sa sementong sahig ng parking lot na ito dahil may naramdaman akong sumalo sa akin. Hind ko na naaninag kung sino ang lalaking ito na sumalo sa akin, ang sakin lang ngayon ay nag papasalamat akong nasalo niya ako.
....

Nagising ako, at iminulat ko ang aking mata. At napag kaalaman kong hospital ito. At may dextrose na naka kabit sa aking kamay.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang lalaki, sa tingin ko ay ka edad ko siya. Ngumiti siya sa akin at pumunta sa gilid ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang ang pakiramdam ko, sino ka? Bakit ako nandito?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
" Pauwi na sana ako, at nakita kitang babagsak kaya mas minabuti ko na dalhin ka dito at inasikaso ka naman ng mga doctor."

"Ano bang pinag sasabi mo? Sino ka ba? Ang pag kaka alam ko ay nasa mall ako anong sinasabi mong nakita mo ko?"

Tatanggalin ko na sana ang dextrose sa kamay ko nang biglang pumasok ang Doctor.

"Kalma, Ms. Cruz do you still remember me?" Hindi ko siya maintindihan kaya naman sinagot ko siya.

"Syempre hindi. Pasensya na." sabi ko sa kaniya.

"Hindi na Normal ang pagiging makakalimutin mo. Kanina lamang ay nandito ka upang mag patingin at ngayon ay hindi mo na alam kung bakit ka narito".

patuloy pa silang nag usap ngunit hindi ko maintindihan.

After 2 days

Naka confine ako dito sa hospital. Hinahayaan ko lang ang doctor at yung lalaki na alagaan ako. Dahil naiintindihan kong hindi ko din maintindihan kung bakit ito kinakailangan.

Umalis saglit yung lalaki na nag hatid sa'kin dito at mamaya raw ay babalik siya.

Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya dahil hindi din kami nag uusap ng matagal. Dahil tulog ako ng tulog.

Maya maya nga ay nandito na ulit yung lalaki.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at sa palagay ko ay ayos naman ako ngayon.

HOPE, LOVE AND FAITH (COMPLETED)Where stories live. Discover now