( September 9, 2007 )
Kasalanan ba ang magmahal ng totoo?
Umaasa sa taong kailanma'y di mapapasayo
Naghihintay sa pag ibig mong di totoo
Upang ang saya ay tumila sa puso ko
Ayoko ng ganito,
Umaasa parin sa isang tulad mo
Alam namang iba ang mahal mo
At ako'y kaibigan lang sa puso mo
Nakakapagod ang ganito,
Panakip butas lang sa puso mo
Nais patigilin ang damdamin ko
Nang huminto na ang kabaliwan ko sayo
By: Karlene Shayne Pangilinan Alivia