I just want only to find only my little sister then i met her,The girl that captures my heart.
Until i fall in love with her easily...
Pagmamahal
Ano nga ba ang nagagawa ng pagmamahal na yan? Isa lang ang definition ko sa pagmamahal,Yun ay ang magsakripisyo para sa taong minamahal mo kahit gaano pa ito kasakit sa iyo o sa inyong dalawa.Mas pipiliin mo ang mas makabubuti sa inyong dalawa kahit mahirap man ito na tanggapin.
Sabi nila maraming nabubulag sa pag ibig,para sa akin hindi totoo yun. Dahil lahat tayo ay nagmamahal lang ng totoo,kahit minsan ito rin ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan at kung bakit ito rin ang dahilan ng pagkagunaw ng mundo ng isang tao.
Katulad ko.....
Nagmahal lang naman ako in the first place,Nagmahal ng totoo sa pinakaunang beses sa buhay ko. Nagbago ang buhay ko magmula ng dumating ang babaeng minahal ko ng totoo,binago niya ang takbo ng mundo ko. Pero siya rin pala ang dahilan kung bakit magugunaw ang mundo ko sa pinaka unang pagkakataon sa buhay ko.
"Hindi tayo pwede Kaye..."
Salitang kahit ulit-ulitin ay napakasakit sa kalooban ko. Nagmahal lang naman ako? Pero bakit? Bakit sa kanya pa? Totoo nga ang kasabihan nila na kung sino ang taong sobrang magpapasaya sayo ay siya ring mas dudurog sa puso mo.
Pero in the first place naman talaga is ako ang may kasalanan,In the first place ako ang unang nahulog,In the first place ako ang unang nag-confess,In the first place ako ang unang nagmahal sa kanya simula ng magtagpo ang landas naming dalawa.
Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo,Bakit siya pa? Bakit siya pa ang nakita ng mga mata ko? Bakit siya pa ang babaeng minahal ko? Bakit sa dinami-dami ng babaeng nasa paligid ko,Bakit sa kanya pa ako nahulog?
Bakit sa babae pang hindi ko pwedeng mahalin???
Napakaraming tanong na tumatakbo sa isip ko magmula ng malaman ko ang lahat ng katotohanan. Parang hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga natuklasan ko. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko sa pagtakbo dahil sa mga salitang binigkas sa harapan ko mismo.
"99% Match ang DNA niyong dalawa, Confirmed that she is your lost sister."
At magmula ng marinig ko ang mga salitang iyon ay tila nawalan na ako ng ganang mabuhay. Parang di ko kakayanin ang mga salitang binigkas sa akin. Kahit baliktarin pa ang mundo,hindi na mababago ang kapalaran ko,kapalaran namin.
And that day my whole life change.....
:'(
YOU ARE READING
Me Plus You,Cannot Be | On-Going
RomanceKaye were finding only his long lost little sister and in his journey of searching,He met the girl that captures his heart.He fall in love with this girl easily but he can't believe for what he knows about in this and he can't accept it.He did not t...