Meet Bryan Sandoval, an incoming grade 6 pupil, he is an academic inclined person na gustong- gusto ng lahat. Bagong lipat pa lamang sila sa kanilang pinagawang bahay kaya wala pa siyang mga kaibigan... masyado naman talaga kasing shy type ito.
He is passionately devoted to his studies dahil self- pressured sya sa mga achievements at mga yapak ng mga kapatid nia from elementary to college.
----- BRYAN'S P. O. V. -----
Pina enroll ako ni mama sa isang bagong school, Triumphant Dream Navigators Academy ang pangalan, mahirap man ay kailangan ko paring sundin lahat ng mga ipinag- uutos nila. Nag resign kasi si papa sa work nia so kailangan naming lumipat dito dahil malapit lang ang aming bagong tahanan sa new workplace ni papa.
First day of school ngayon, at takot na takot ako dahil wala talaga akong kakilala maski ni isa. Umupo nalang ako sa bandang likod na bahagi ng classroom, nahihiya kasi ako sa harapan umupo kasi feeling ko ay parang tinitingnan ako ng lahat.
Biglang may pumasok na lalaki, ka-edad ko rin at mukhang kaklase ko ata. "WHAT'S UP THINGAMAJIGS?" sigaw nito pagkapasok palang mismo sa pintuan ng kwarto. Agad naghiyawan ang mga kababaehan naming mga classmates at nagpalakpakan naman at nagsigawan ang mga kalalakihan. Aba't artista ba ito?
Classmates: Whoaahhh Bennn! 🥰
----- BEN'S P.O.V -----
Halaaa akala ko ay late na talaga akong pumasok sa first day of school. Na-late kasi akong magising dahil na alarm ko ang orasan sa maling araw 😫. Mabuti nalang at nag de- devotional pa ang mga teachers. Christian School kasi kami so required mag devotional ang teachers every morning. "WHAT'S UP THINGAMAJIGS?" pasigaw kong bati pagpasok ko sa aming kwarto. Aba't nagulat at naghihiyawan talaga ang mga classmates kong babae at nagpalakpakan na may kasamang sigawan naman ang mga lalake. Di ko akalaing section 1 rin pala ang mga barkada kong mga pilyo.
Kilala ko na halos lahat ng nasa kwarto, maliban nalang sa isang lalakeng naka eye glasses sa bandang likoran. I know his name, Bryan Sandoval, nabasa ko kasi sa list of learners sa labas ng room pangalan nia e. Tamang- tama at mukha syang genius, tatabi muna ako sa kanya para alam nio na... para maka kopya ng answers ahahaha.
BEN: Hi Bryan Sandoval, ako nga pala ang kaklase mong famous hahaha I'm Ben Anderson.
BRYAN: (nagulat) ki-kilala mo a-ako?
BEN: patay tayo dyan, di mo ba nakita sa labas ang list of learners ng room na to? e kilala ko na lahat sila dito, si Bryan Sandoval nalang ang hindi kaya sure akong ikaw yun. (agad niyang kinuha ang kamay ni Bryan para kamustahin) Ang lambot ng kamay mo ah? yayamanin 😍 dito na ako uupo ha, Okay lang ba?
----- BRYAN'S P.O.V -----
Nagtanong ito kung pwd ba daw syang makaupo sa tabi ko. Mukhang OKAY naman sya so sabi ko nalang OO. Hindi natapos ang araw ay natuklasan kong nagkamali pala ako ng akala. PILYO pala ito dahil bumabato ito ng mga paper balls sa mga kaklase namin at di marunong mag focus, Pero laking gulat ko ng malamang 1 mistake lang sya sa math quiz, magaling din pala ito.
----- BEN'S P.O.V -----
Hay, sana nag absent nalang ako ngayon, eh puro old topics lang naman ang itinuturo eh, review review lang naman, katunayan kahit di ako nakinig e 1 mistake lang ako sa quiz kasi di ko nalagyan ng negative sign ang answer. tsk tsk tsk Nakita ko sina Punn at Claire na nag-uusap habang nagtuturo si Ma'am Arellano kaya binato ko sila ng mga paper balls. Nakita kong napatingin si Bryan pero di ko na inintindi. Nakita ko rin ang score ni Bryan sa math, perfect nia, halatang matalino talaga ang isang ito.
UWIAN na, cleaner si Ben kaya tinulungan niya si kuya janitor sa paglilinis ng room, nakita talaga ni Bryan na tamad ito kasi parang nagdadabog pa eh, na bad trip siguro 😂✌.
Naunang umuwi si Bryan, naglalakad lang ito kasi around 200 meters lang naman ang layo ng school sa bahay nila. Pagkadating niya ng bahay ay agad itong nagbihis para makapag-umpisa na itong mangdilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Hindi naglaon ay may narinig si Bryan na tunog ng bolang tumatalbog, tiningnan niya kung sino ang naglalaro, mukhang familiar ang mukha nito, parang si Ben?... tama si Ben Anderson nga, ang seat mate niyang pilyo.
(happening outside)
BEN: Lola tulungan ko na po kau.
May isang matanda na may dala-dalang malaking supot na puno ng groceries ang tinulungan ni Ben.
BRYAN: mabait din naman pala to. 😂
----- BEN'S P.O.V -----
Nakita ko ang bago kong kaklase na nagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Aayain ko sanang maglaro ng basketball kaya lang may matandang nangangailangan ng tulong kaya inuna ko muna ito. Pagkabalik ko ay wala na si Bryan, nakapasok na siguro sa bahay nila, umuwi nalang ako para makagawa ng homework ko
----- BRYAN'S P.O.V -----
Nakita kong pumasok ng kanilang bahay si Ben, nasa kwarto ako at nakatingin mula sa sarado kong bintana. Nakita ko syang nagbukas ng bintana, akalain mong magkatapat lang pala ang aming kwarto. Binuksan ko ang Facebook account ko at nakita kong nag friend request siya sakin. Agad ko naman itong inaccept kahit wala kaming mutual friends kahit na isa. [Magkatabi lang pala ang mga bahay natin] mensahe nia sakin sa facebook. Agad akong pumunta sa bintana, binuksan ito at nag reply sa kanya [tingin ka sa bintana sa likuran mo, kita kita] lumingon sya at kumaway kami sa isa't- isa.
"Sabay na tayong pumasok bukas" sigaw niya mula sa kanilang bintana.
Tumango naman ako bilang ganti.
... At jan nag-umpisa ang aming pagkakaibigan 😍
(to be continued. . .)
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, SO THAT THIS STORY WOULD BE RECOMMENDED TO OTHERS.
YOU ARE READING
Chase: the series
RomanceTitle: Chase the series Genre: BL (Platonic Love) Author: Cher Ron Languages: Taglish (Tagalog and English) Desclaimer: All names are not intentionally used by the author to cause disgrace and humiliation. Any name that has similarity in rea...