11th cut 🎬 "The Departure"

616 30 1
                                    

--- BRYAN’s POV ---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

--- BRYAN’s POV ---

It’s been 15 years already. Lumaki na kaya ang punong itinanim namin ni Ben noon? Hindi kaya yon natumba ng bagyo o pinutol? Natatandaan pa kaya ako ng kaibigan ko… kamusta na kaya sya?

Malaki ang naiambag ni Ben sa kung ano ako ngayon. Nagtiis at naghintay ako ng mahabang panahon para lang maka uwi ulit dito sa Pilipinas. Miss na miss ko na sya. Hindi ko akalaing inamin niya kina mommy at daddy ang lahat ng mga panghahalay na ginawa niya sa akin noon.

Hayyy Pilipinas masaya ako na nakauwi na rin sa wakas. Wala ako na kahit na isang update sa kaibigan ko, dahil naging sunod- sunuran ako sa mga utos ni mommy… kailangan daw na huwag akong gumamit ng social media accounts ko while I’m in Thailand.

Papalapit na ako sa aming bahay kasama si Manang Christine, an gaming care taker dito sa Pilipinas.

“Ate, may puno po bang nakatanim sa pagitan ng bakuran natin at ng kabilang bahay?” tanong ko sa kanya. “ ay opo sir, yung birch tree? Malaki na po yun ngayon.” Sagot niya.

“Itinanim po kasi namin yun ng kaibigan ko bago kami pumuntang Thailand

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Itinanim po kasi namin yun ng kaibigan ko bago kami pumuntang Thailand.”

Tumawa si Manang Christine sa sinabi ko, laking gulat ko nang marinig ang mga sinabi nia,

“ahahaha alam mo sir? Muntik na akong pakasuhan ni Sir Ben dahil tinipon ko noon ang mga tuyong dahon sa ilalim ng puno tapos ay sinunog ko… naabutan niya ako, wala akong magawa kasi kasalanan ko, mabuti nalang at naawa sa akin yung asawa nia.”

Parang namingi ako sa mga pinagsasabi ni Manang Christine,

“Mabuti nalang at mabait si Ma’am Paulene, at ang gwapo pa ng anak nilang si Bryce. Di ko alam na best friend mo pala sya sir.”

“Mag- asawa”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Mag- asawa”

“Mabait na ANAK”

“Bryce”

“Paulene”

Yan ang ilan sa mga sinabi ni Manang Christine na nagbigay ng kurot sa puso ko. Ikinalungkot ko na ang taong babalikan ko sa Pilipinas ay pagmamay- ari ng iba.

“Sir bakit nga po pala ikaw lang ang umuwi ngayon?”

“Malungkot na rason ate, may naiwan kasi ako dito kaya binalikan ko. Mommy allows me to chase my dreams dahil tapos na ang dreams nila para sa akin, and my ultimate dream is to be with that person. Yun lang, di lang ako sigurado kung ako parin ba ang laman ng puso nia.”

“LOVE, hahamakin ang lahat masunod ka lang. Never lose hope sir, believe that if you love that person from far, that person will still feel it and will give back regardless of the distances between. “

Napangiti ako sa sinabi ni manang Christine. Gabi na nang makarating kami sa bahay.

Naiwan akong mag-isa… walang social media kaya naisipan kong bumaba at pumunta sa itinanim naming puno. Napaiyak ako nong makitang malaki at malusog tingnan ito.

“Thank you for waiting me.”
Nahiga ako sa ibaba ng puno at napaluha habang inaalala ang mga pagkakataong magkasama kami ni Ben.

Biglang tumawag si mommy sa akin.

“Anak, matulog kana. Christine had texted me already, alam ko mag-isa kalang jan. Bukas ko na isasauli ang new social media accounts passwords mo, gusto ko magpahinga ka na jan. good night anak, I love you.”

Sinunod ko ang aking ina, agad akong tumayo, pinunasan ang pisngi at niyakap ang puno bago pumasok sa aming bahay.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para ipaghanda ng umagahan sina Manang Christine. Pagkabukas ko ng bintana ng aking kwarto ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na bumaba sa kanyang sasakyan sa labas.

Hindi ako nagkamali at si Ben nga iyon. May kasama siyang isang batang lalaki, yan na siguro si Bryce. Narinig ko ang kanilang pag-uusap mula sa itaas.

“Dad I’ll go inside na po.”

“Bryce, be back… you forgot to kiss daddy, hindi mo pa ako na kiss mula kanina sa bahay… di mo na ba ako love?”

“Ops sorry daddy.” Hinalikan ng bata si Ben sa pisngi, “I’ll go inside na po. Please buy me some chicken joy.”

Halatang masaya na si Ben sa buhay niya kaya hindi ko na sya tinawag. Parang gumuguho ang mundo ko na nakikita ko silang masaya. Tumulo ang aking mga luha. Nahiga ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone.

Naibalik na ni mommy ang password ko at laking gulat ko na pinalitan niya ng “#BBForever” ang password. Pinilit kong tatagan ang aking loob ngunit pagtayo ko ay nakita kong nagyayakapan sina Ben at Paulene sa harap ng puno.

Maganda parin at sexy itong si Paulene, maswerte si Ben na pinili niyang mahalin ang ganitong uri ng babae.

Agad akong bumalik sa pagkakahiga, tumulo ulit ang aking mga luha habang binubuksan ko ang facebook account ko. Sa pinakaunang pagkakataon ay nabasa ko ang lahat ng mga messages niya sa akin mula pa noon.

“…I forgot to tell you, daddy gave me the authority na to handle our investment company, gusto ko sanang maka partner ka dito, kaya Bry please bumalik ka na. I still love you. “

Agad akong tumayo at nakita ko syang nakatingin sa kalsada.

“tumalikod ka, kita kita.”
(sent)

--- End of Bryan’s POV---

Nakita ni Ben ang reply sa kanya ni Bryan. Hindi siya makapaniwala, dahan dahan siyang napatingin sa bintana ng kwarto ng kaibigan.

“Bryan?” napaluha rin ito matapos makita ang kaibigang napapaluha habang nakangiti sa bintana.

Dali- daling napatakbo si Ben sa loob ng bahay ng mga Sandoval. Walang paglagyan ang kanyang tuwa. Pagkabukas ng pinto ng kwarto ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Bigla niyang niyakap ang kaibigan at napahagul-gul sa iyak.

 Bigla niyang niyakap ang kaibigan at napahagul-gul sa iyak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ben: (umiiyak) Bry sa wakas… sa wakas.

Bryan: hoo Ben, sa wakas nagkita na tayo.

… to be continued …

Chase: the seriesWhere stories live. Discover now