-----Nagsimula kami sa
hi, sorry sa pagiging FC, sorry sa istorboNaging
Nu gawa mo?Naging
Ui wag kang lilipat ng school. Iiwan mo na ko? HahahaNaging
San ka na? Umuwi ka na!Naging
Sunduin kita jan? Para makauwi ka na.Naging
Kumain ka na?Naging
Ui crush kita.Naging
Nagseselos ako kanina. Ok na?Naging
Wala naman akong karapatan maggaganto kasi hindi naman tayo.Naging
Pwede ba kong manligaw?Naging
Nakakainis yung JS di pa kayo kasama wala tuloy akong isasayaw.Naging
Mahal na yata kita.~nakakakilig diba? Ganyan din ako eh. Habang binabasa ko yung mga message at text nya. Oo crush ko na din sya. Mahal ko pa nga yata eh. Pero ang hirap, puro sa cellphone nya lang pinaparamdam yung nararamdaman nya. Hindi mo alam kung totoo. Minsan naiisip ko dinaig ko pa yung taong may gusto sa artista. Bakit? Kasi oo nasa iisang school kami, nasa iisang campus, nasa iisang canteen kami nakain, nasa iisang library kami nagbabasa ng mga textbooks pero bakit parang anlayo nya pa rin? Dyan sa mga nabasa nyo, wala pa syang nasasabi sakin sa personal. Puro sa text, sa tawag, sa fb, sa twitter. Ano bang gusto nyang palabasin? Na hanggang chat na lang kami?