Chapter thirty six

78 8 0
                                    

SHINVHER ASHTON'S POV

Pag pasok palang namin sa ICU ay sinalubong agad ni Tita Zairica at Tito Louie yung Doctor.

Hindi daw pwede ang marami dito sa loob kaya ako, si Hazel, si Zerello at si Tito at Tita lang ang nandito sa loob. Yung mga kaibigan namin ay nasa labas nakaupo sa bench.

"I can't lose my bestfriend" nakatulalang saad ni Hazel habang nakatingin sa nakahigang bulto nang babae.

"Nasa ICU sya. It means malala yung lagay nya." saad ni Zerello at mugtong mugto na ang mata nito dahil simula kanina ay iyak ito nang iyak...

Nakakabakla naman kase talaga.. "Zea.." bulong nang puso ko habang tinitignan si Zea. Namumutla ito at halatang malala ang kalagayan..

"D-Doc? How is she?" naiiyak na tanong ni Tita Zairica sa Doctor.

"Im sorry to say that--"

"Waaaa! Hindi patay ang anak ko! Hindi! Hindi!" napahagulhol si Tita Zairica.

"Mrs.Monalco calm down" pag papakalma nang Doctor.

"Mommy. Bat di mo kaya patapusin si Doc?" inis na saad ni Zerello.

"Sorry, sorry."

"Ayun na nga misis. Im sorry, pero maraming nawalang dugo kay Ms.Monalco, natanggal narin namin ang bala nang baril ngunit hindi po sapat ang gamit namin dito para operehan sya.." mahinahong paliwanag nang Doctor.

"Wait? B-bakit ooperahan?" hindi ko napigilang maki-sabat.

"Tumama ang bala nang baril sa left side nang lungs ni Ms.Monalco. and kailangan nyang maoperahan a soon as possible.. Kailangan nya ring masalinan nang dugo.."

Hindi ko na napigilang mapaluha.. Fvck! baket si Zea pa? Andito naman ako?! Dapat ako nalang yung binaril! Dapat ako nalang yung nakaratay jan sa pesteng hospital bed na yan!!

"I can't lose her.. Please.." napatingin ako kay Hazel nang tuluyan itong napaupo habang umiiyak...

Ngayon ko lang sya nakitang umiyak nang ganyan.. Si Zea talaga kase ang Very close ni Hazel sa tropa...

"Hon? Pwede naman sa korea diba? C'mon. Stop crying na.." pag aalo ni Tito Louie kay Tita

"K-kids. Pumunta muna kayo sa mga kaibigan nyo o-okey? *sniff* kakausapin lang namin si D-Doc" mahinahong utos samin ni tita Zairica.

"Noo!! I will stay here! Gusto ko p-pag nagising si baby sis *sob* a-andito ako" umiiyak na tutol ni Zerello.

"Zerello! Now!!" galit na utos ni Tito Louie kaya wala kaming nagawa kundi ang lumabas sa ICU.

"Oh? Okey na ba sya?" -Alice

"Sabihin nyong hindi naman kritikal ang lagay nya" -Aaron.

"Nasa harap tayo nang ICU. Nasa loob ang kaibigan natin.. Ipapasok ba sya jan kung hindi kritikal?!" -Jam

"Oh God! Huhuhu" -Nathalie

"Sana naman hindi ganon ka-lala" -Azek

"N-nagugutom *sob* n-nako" -Heaven

"Nasa loob nang ICU yung kaibigan natin, tapos puro pagkain parin laman nang isip mo?!" -Hell

"Sana okey lang sya." -France

"Kaya ni Zea 'to, she's strong and brave. He can survive." -Jhen

"Tangina nyo! *sniff* hindi pa patay kaibigan ko." -Hazel.

Halos lahat sila mugto ang mata... Yung akin din siguro dahil nararamdaman ko na e.

"Nakakabakla 'to" naiiyak na saad ni Aaron at akmang yayakap kay Jhen pero napalayo sya nang pakitaan sya nang kamao ni Jhen. "Kababaeng tao, maugat."

THE NERDY GIRL IS A MAFIA QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon