Masaya ako.
Masayang masaya ako.
Napakasaya ko.
Pero masaya nga ba ako?
Totoong masaya nga ba ako? O nagpapanggap lang akong masaya kasi iyon ang dapat na makita ng lahat?
Upang hindi sila labis na mag – alala at makadagdag sa mga pasaning kinakaharap nila?
Napapaisip na nga akominsan kung bakit nga ba ako naririto?
Ano ba talagang silbi ko dito sa mundo kung di din naman nila napapansin ang lahat ng mga paghihirap at pagsusumikap ko?
Ginawa ko na ang lahat lahat para lang maipaglaki nila ako at mapasaya ko din sila kahit isang beses man lang. Pero bakit...parang...kulang pa rin?
Kung ituring kasi nila ako...isang pabigat...isang sagabal...isang...ewan. Di ko alam. Litong lito na ako sa mga nangyayare at sa nararamdaman ko.
Gusto ko nalang lumayo at magpakalayo ng magpakalayo at lisanin na ang lugar na ito. Pero kung iyon ang gagawin ko, saan naman ako pupunta? Wala naman akong kakilala maliban sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa akin.
'Pabigat ka lang!'
'Pabigat ka lang!'
'Pabigat ka lang!'
Oo na. Tama na. Huwag niyo nang ipagduldulan pa sa pagmumukha ko ang tingin niyo sa akin dahil kahit di niyo sabihin, ramdam na ramdam ko. Mula pagkabata ko pa, damdamang ko ang pagkamuhi niyo sa akin sa dahilang di ko mawari.
Pabigat na kung pabigat pero tama na. Nasasaktan din ako tulad niyo. Dahil tao din naman ako. Hindi ako isang bato, halaman o ano pa mang walang malay o buhay na maaaring maipabatid ang nais at nararamdaman nila.
Ginawa ko naman na lahat ah. Sinunod ko naman lahat ng gusto niyo. Pero bakit parang di pa rin naman sapat...ang lahat ng ginawa ko? Ang mga nagawa ko? Ano pa nga bang kulang para ituring niyo din ako parte...ng pamilyang ito?
Mama...Papa...Ate...Kuya...Bunso...
...Lolo....Lola
Bakit? Bakit hindi niyo ako matanggap o kahit maiparamdam man lang sa akin na parte ako ng pamilyang ito?
'...Dahil isa ka lang malaking pabigat at pasanin ng pamilyang ito.'
............................................................................................................................................................................
"Tama na! Gumising ka na, please, anak ko."
BINABASA MO ANG
Once Upon a Smile
Short Story'Smiling is the only thing that could keep me from losing it all but in just a snap, everything was all gone.'