Hindi na naman ako makatulog!! Hehe, isa na namang tula mula sa inyong lingkod.
--
Kaibigan ko siya,
Sabi nga nila, kami'y magkamukha na,
Binansagang loveteam at inakalang magsyota,
Pero hindi..... Kaibigan ko lang siya.
Hindi ko napigilan ang sarili,
Na sa katangian niya ay mabighani,
Madalas siya ang pinapantasya, ay wait... Nakakadiri,
Kaibigan lang nga kasi.
Naging malapit ang loob sa isa't-isa,
Sabay magiging bagot, sabay tutunganga,
Tiningnan ko siya habang nakatawa,
Mali man, mahal ko na ata siya.
Isang araw, hinawakan niya ang mga kamay ko,
"Mahal kita, mahal mo rin ba ako?",
Imbes na sumagot, ako ay lumayo,
Sa malayo ako'y tumakbo at nagtago.
Bakit ko nga ba siya tinanggihan?
Dahil ba masarap ang buko-pandan?
Siguro mahina lang ako sa labanan,
Pasensya na, ikaw muna ay pansamantalang iiwan.
Hinanap ko ang sarili ko,
Baka nagtago lang sa likod ng pinto,
Baka nga nasa ilalim ng kama ko,
Baka andun o baka andito.
Nahanap ko na ang sarili ko,
"Tama! Magtatapat na rin ako!"
Sasabihin ko na siya rin ang tinitibok ng puso,
Sasabihin ko, sasabihin ko.
Bumalik akong nakangiti,
Hinanap siya para nararamdaman ay masabi,
Ng makita ko siya, para akong binigti,
Hindi ko alam kung manhid na ako o sadyang mahapdi.
Ibang babae ang kasama niya,
Tinitingnan ng pagkasiya-siya,
Magkahawak ang mga kamay,
Habang ako, parang inaalisan ng buhay.
Hindi ba mahal mo ako?
Bakit naman ang dali mong sumuko?
Ganyan ba talaga ang pagibig mo?
O sadyang nung una palang siya na ang mahal mo?
Sobrang sakit ay iniinda,
Bakit ngayon? Bakit ikaw pa?
Sana naramdaman mong Mahal kita,
Kasi 'yun ang gusto kong ipadama.
Sayang, sasabihin ko na sana,
Sayang, may iba ka na.
Heto ako, magisang magluluksa,
At mapapasambit ng, "Sayang, huli na."