"Anong section 'to?" Kinalabit ko ng mahina iyong babaeng kakalabas lang na lalampasan sana ako. Hawak-hawak ko ang duffel bag ni kuya sa kaliwa ko.
Nautusan ako ng aking maderaka na ibigay kay kuya iyong duffel bag niya na nakalimutan niyang dalhin. Dala 'yan ng pagkakatanda, eh. Mukha rin naman 'yong lolo. "Tsaka feel ko talaga sinadya niya para ako na magdala sa kanya, ngina niya.
"Ay, purity!" Sabi niya bago siya umalis sa harapan ko. Mukhang nagmamadali yata kasi tumakbo na, eh. Tiningnan ko siya habang lumalayo na siya at nakita ko sa kamay niya ang bracelet na familiar.
Sumilip ako sa loob at nakitang nagchichika-chika ang mga students doon. Nakita ko 'yung si Matt kuno, classmates pala sila, ah.
Sa'n na ba 'yung kupal dito.
Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa paa ko kaya napatalon ako at napasigaw. "Chang ama, tragis!" Lumingon ako sa likod at sinamaan ng tingin si lolo. Akala ko may limit ang kalokohan ni kuya at hanggang sa bahay lang pero umabot din pala rito.
"Oy, sino si Tragis?!" Kunot-noo niyang sabi. Binato ko sa kanya ang duffel bag niya na nakalimutan niyang dalhin at napatingin siya roon. "Ay bakit mo sa 'kin binigay?" Tanong niya.
"Kasi sa 'yo 'yan, tangeks. 'Tsaka ikaw kaya si tragis, kasi potragis ka!" 'Di ko na hinintay reaksyon niya at tumakbo na. Mabatukan pa 'ko nun.
Grabe nasa section purity silang dalawa. 'Di bagay, eh.
Bumaba na ako sa building nila gamit ang hagdanan kasi 'di pa rin tapos ang paggawa ng elevator. Ang sarap magreklamo kasi sa 5th floor pa inakyat ko. Kakasimula pa lang ng araw pagod na 'ko, ano na skwelahan.
Nakasalubong ko si Athena pababa na nginitian ako kaya iyon din ang ginawa ko.
"Hi, Bei! Sino sadya mo sa building na 'to?" Tanong niya.
Ano kayang secret nito at palaging maganda sa umaga pati na rin pagkatapos ng classes maganda pa rin parang 'di sumabak sa gyera.
Oo, gyera tawag ko kapag andito na sa school.
"Ah, si Kuya ko lang." Sabi ko sa kanya. Nakita kong medyo nanlaki ang mga mata niya pero bumalik rin namansa normal na smiling eyes.
"OMG. You have an older brother! Ba't 'di mo sinabi sa 'kin?" Natutuwa niyang sabi.
Anong exciting dun.
"Eh, kasi hindi ka naman nagtanong--" Naputol ang sasabihin ko nang nagtatalon-talon siya sa harapan ko na ikinatigil ko. Bigla rin siyang huminto at ngumiti sa 'kin.
"Can you bring your kuya later sa prac?" Grabe nakaka-inlove kung parating nakangiti si Athena. Gaganahan na 'ko mag-aral neto.
"Well, sure pwede naman, pilitin ko na lang 'yon." Sabi ko at tumango naman siya. Teka nga lang, ah. Ba't gusto niya makita kuya ko. Ay, baka gusto makilala nang magkajowa na siya. "Jojowain mo ba kuya ko?" Tumawa ako dahil dun. Kahit ang aking puso ay nasasaktan na. Charot.
'Di naman 'yon kajowa-jowa.
"No! I just want to meet new people." Napatawa siya sa tanong ko.
Eh, kung magkadevelopan rin naman sila 'di nako aangal.
--
"I love you, don't know what else to say to you..." Pakanta-kanta lang ako habang papunta sa gym. Tapos na ang class hours at magpapractice na kami. Doon sana sa open stage pero may nakauna na doon.
Minsan din ayoko dun, eh. Kitang-kita kami nagpapractice ng mga students na papauwi na. Kasi madadaanan mo talaga ang open stage kasi medyo malapit sa gate. May iba rin namang sa likod dumadaan.
Madadaanan ko ang canteen kaya plano kong bumili ng fries. Buti nalang hindi pa nagsisira ang canteen pero isang linya nalang iyong open, nandoon iyong tindera at naghihintay sa kung sino pang bibili.
Isasabi ko na sana na bibili ako ng fries ng may biglang sumulpot sa harapan ko.
"Fries po, dalawang bente." He leaned on the counter. Inunahan pa 'ko. Pinagmumura ko na si Matt sa isip ko at ang sarap niyang sapakin.
Nagmake face lang ako sa likod niya at pinag-iikot ang ata ng ilang beses dahil sa irita. Pero napahinto ako nang bigla siyang magsalita.
"Panget mo noh? Pinaggagawa mo diyan," Sabi niya tinatakpan ang bibig dahil sa pagpipigil ng tawa. Umayos siya ng tayo at tiningnan ako, natatawa pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin pero nabigla ako nang hinawakan niya ang ulo ko kaya nahampas ko ang kamay niya ng librong dala ko. Makapal pa naman 'to. "Aray!"
Humakbang ako paatras sa kanya at nilapag ang libro sa counter. "Ikaw kasi, eh!" Sabi ko na medyo naguilty na sa ginawa. 'Di ko naman 'yun sinadya, nabigla lang talaga ako sa ginawa niya.
"Tsk--" Tiningnan niya iyong kamay niya na nahampas ko. ng libro. Tumingin ulit siya sa 'kin kaya napayuko ako. "'Pag itong kamay ko napano, bayaran mo 'ko."
"OA mo naman! 'Di ko nga sinasadya, eh."
"Tsk. Argh, ang sakit talaga!" Napatingin tuloy ako sa kamay niya dahil sa sinabi niyang masakit kuno. Eh, parang wala naman atang sugat doon, ah. "Tignan mo 'to." Pinakita niya sa 'kin ang kamay niya. "May sugat, ang sakit."
"Kukuha na nga lang ako ng band-aid sa clinic!" Sabi ko bago siya tinalikuran.
"Salamat po." Narinig kong sabi niya. Siguro nakuha niya na 'yung fries niya. Akin sana 'yun kung 'di lang siya sumingit, eh. Ta's ngayon nagkasala pa 'ko!
Malapit lang naman 'yung clinic kaya pumasok na ako at hinanap ang nurse. Wwo, ang lamig talaga dito. Kaya minsan nagpapalusot akong masakit ang ulo ko para lang makapunta dito, eh.
"Nurse! Pahingi po ng band-aid, nagkasugat sa kamay ang..." Hindi ko siya kaibigan. "Nasugatan iyong kakilala ko, po." Sabi ko nalang. Lumingon ako sa labas at nakita sa may pintuan ng clinic si Matt. Tinuro niya iyong kamay niya at sinabihan akong bilisan.
Demanding ng gago.
--
"Nakasimangot ka diyan? Ikaw na nga nagkasala, eh." Sabi ni Matt habang nilalagay ko ang band-aid sa sugat niya. Ang liit masyado ng sugat ta's ang oa niya pa.
"Ewan ko sayo. Nabigla lang ako nun. Parang tanga ka kasi." Pinaikot ko ang mata ko.
"Ewan ko rin sa sarili ko." Tumawa siya. Gago, 'di pa naman baliw 'to noh?
"Alam mo bagay kang maging hari..."
"Why?"
"Tapos pangalan mo, ina."
"Huh?" Nalilitong sabi niya. Slow naman neto, oh.
"Oh, 'diba bagay, king ina ka na." Tumawa ako at tinuro ang mukha niyang blanko.
"Ta's ikaw na maging reyna ko, ano?" Banat niya. I motioned like I'm vomiting.
Tiningnan ko siya ng masama habang siya naman ay nakatingin lang sa sugat niya.
Ngayon ko lang napansin ang kulay ng mga mata niya nang malapitan. Hazel brown. Sana all.
Napatalon ako ng nagtama ang tingin namin. Gago, ano 'yon.
"Gwapo ko, noh?" Ngumisi siya at mahinang napatawa.
"Wala kang jowa." Pang-aasar ko.
"Apply ka na."