CHAPTER 60

313 10 2
                                    

CHAPTER 60





LEXUS POV



"F*ck muntik ka na naman dun Lex"sigaw ni Quin pero di ko siya kinibo at patuloy parin nakatanaw sa dinaanan ni Axe

"may pake nga talaga satin si Axeyy"nakatungong sabi ni Zed kaya napatingin kami sa kanya

"Meron naman talaga kayo lang talaga ang pinangungunahan nang mga galit niyo,ngayon nagsisisi na kayo....tsk tsk hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa sinabi ni Axe"sabi ni Wyn kaya nabaling ang atensyon naming sa kanya

"ano sinabi niya?"kunot noong tanong ni Zed



"She want me to protect all of you guys,hinihiling niya na wag daw magbago ang pakikitungo ko sa inyo"sabi ni Wyn kaya natahimik kami pero bigla naman akong nakaramdam nang pagka kaba nang di alam na dahilan basta parang may hindi magandang mangyayari...atsaka paano si Axe....paano kung mapahamak siya? At san ba siya pumunta...dapat kasi ako ang nasa tabi niya pero ano? Pinangunahan ko agad nang galit....napaka tanga ko aiiishhh!!

"susundan ko si Axe"wala sa sarili kong sabi kaya napatingin sila sakin

"Ano? Baka mapahamak ka Lexus"sabi ni Cane

"At ayaw kong mapahamak na ulit si Axe"seryosong sabi ko

"sama ako"biglang sabi ni Wyn

"Nag-iisip kaba,tignan mo nga yang sarili mo mukha kang ting-ting tapos makikisali kapa"inis na sabi ni Zed pero di siya pinansin ni Wyn..tibay ni Wyn ahh

"bahala nga kayo diyan"sabi ko atsaka tumakbo papaalis

"hintayyy,sama kami"sigaw nila kaya napakamot ako sa ulo ko atsaka sila inis na tinignan

"ako lang eh"sabi ko at tumakbo na papalabas nang University

"paano yan di naman natin alam kung san pumunta si Axe"sabi ni Zy kaya pati ako ay napaisip

"ewan,kala ko alam ni Lex eh"sabi naman ni Xyn




"Sino sa inyo si Lexus Steel"tanong nang isang lalaki nang makababa sa van sa harap naming

"W-why?"tanong ko

"yan na ata yan"sabi nung isa kaya nagulat ako nang bigla akong higitin nang lalaki papasok pero nanlaban pa ako

"hoyyy san niyo siya dadalhin"sigaw ni Quin

"ahhhhh bitawan mo ako"sigaw naman ni Wyn

"hoyy bitawan mo yan,Bat kaba nanghihigit"sigaw ni Zed at pilit na hindi isinasakay ang sarili

"Bitaw kundi bibigwasan kita"sabi naman ni Zy atsaka malakas na sinipa yung lalaki kaya nabitawan siya nung lalaki pero laking gulat naming nang tutukan nung isa si Zy kaya nahinto kami



"pasok"sigaw nung lalaki kaya masama ko siyang tinignan atsaka pumasok

MYSTERIOUS GIRLWhere stories live. Discover now