All This Time, Pre!

20.7K 251 30
                                    

Katahimikan ang bumasag sa pagitan ng dalawa. Hindi pa nga ubos ang isang bucket ng beer sa lamesa nila, parang wala ng gustong gumalaw pa sa laman nito.

Chan: Are you drunk already? O mali lang ang pagkakarinig ko? Hindi ka naman bakla Pre! Ginugudtaym mo ako nu? Mabenta sa akin ang banat mong yun!

Ric: Totoo! Hindi mali ang pagkakarinig mo!

Chan: Ulitin mo nga!?

Ric: I'm in love with you! I falling inlove with you!

Muli, katahimikan ang namagitan sa dalawa. Ang tanging ingay na nasa paligid ay ang pagkanta ng live band sa bar kung saan sila naroroon.

Chan: So bakla ka? Are you a gay? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi ko nahalata? Matagal na tayong magkaibigan!

Ric: Magaling lang siguro ako magtago! Pero Chan...hindi naman ako umaasa na...

Chan: Na suklian ko ang pagmamahal mo? Mahal din kita Ric! Pero bilang kaibigan! Katropa! Bilang Pare ko!

Ric: May magbabago ba? Magbabago ka ba sa akin? I mean, sa pakikitungo?

Chan: Hindi ko alam! Alam mo na hindi kita trinato ng iba! Kung may nagbago man, yung nararamdaman mo lang para sa akin!

Ric: Hindi ka maiilang?

Chan: Siguro sa umpisa! Pero ayaw kitang masaktan kaya sinasabi ko na ngayon palang!

Ngumiti si Ric. Mabait talaga ang kaibigan niya. Gusto niya lang naman maging honest dito.

Chan: Teka, hindi naman siguro ako ang laman ng pantasya mo pag alam mo na! Pag your alone at you feel something...

Ric: Ha ha ha! Hindi ko masasagot yan!

Chan: Ah Ah Ah! I guess you do! Tsk!

Nagawa nilang galawin muli ang laman ng bucket.

Chan: Napigilan mo ba yung feelings mo for me? I mean, pag may chance para sa friendship natin?

Ric: Ilang beses na! Pero I get jealous kapag you dating someone else! Wala naman akong karapatan na sabihin pa ang bagay na ito!

Chan: Of course, meron in some points! Sayo din naman ako kumukuha ng ideas at advices pag I feel not so confident sa mga pinapasok kong relationships!

Ric: Yun lang ang role ko!

Chan: You are my best buddy and best boy friend!

Ric: Pampalubag loob?

Hinarap ni Chan ang kaibigan. Walang ilang na tinitigan nito ang mga matang yun. Hinawakan nito ang magkabilang pisnge ng kaibigan.

Chan: If hindi mag success ang mga relasyong papasukin ko, are you willing to wait? Or to be a rebound?

Mahinang tinampal kunwari ni Ric ang kaibigan.

Ric: OK na na ako sa best friend area!

Doon natawa si Chan. Tinaas nito ang hawak na bote ng beer.

Chan: So tumatanggi ka? Let's have a toss for that!

Makipag toss ito si Ric. Pero sa loob niya, "OO" sana ang isasagot niya. Muntikan na siyang madala sa damdamin niya para sa kaibigan.

---end---

PS: Follow me or vote my story. Thanks :)

All This Time, Pre!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon