Naghahabol hininga akong umiinom ng tubig at saka umupo."Uy Clive, nice game!" bati sakin ni Prince na hinihingal rin.
Katatapos lang kasi ng practice namin, wala pa namang laban pero pinagp-practice lang kami ni coach, ayos lang naman, masaya. May napaglilibangan ngayong pandemic.
"Next week nanaman daw muna ang practice sabi ni coach kanina eh." sabi nito.
"Bakit naman next week nalang, nakonsensya naba siya?" natatawa kong sabi.
"Kupal hindi! May vacation daw si coach eh, sanaol diba!" sabay tawanan namin.
Bago pa 'man dumilim ay napagdesisyunan na naming umuwi, nagpaalam na rin ako sa team na mauuna na rin at mag-ingat sila.
Naglalakad ako ngayon dahil walang masasakyan dito sa lugar kung saan kami nagp-practice, kaya't kailangan ko munang lakarin hanggang kanto. Medyo malapit lang naman. Kaya okay lang.
Habang naglalakad eh naisipan kong uminom ng tubig, sa kalagitnaan ng pag-inom, may isang papel na hinangin sa aking harapan. Hindi ko na sana papansinin ngunit naaninag kong may nakasulat dito. Bond paper ito, long, may bakas din ng putik, parang isinulat ito sa papag lamang.
Dahil sa pagka-curious binasa ko ito...
"Ako nga pala si Albert, isang grade 12 student. November 13, 2020, yan yung date kung kelan ko ito sinulat..."
Ngayong taon lang rin pala, napakunot ako ng nuo saka nagpatuloy sa pagbabasa, naisipan ko ring umupo muna sa isang shed, may ilaw naman kaya ayos lang, di naman ako natatakot. Binasa ko ulit yung hawak kong papel...
"Galing kasi ako sa trabaho at pauwi na sana bago ko ito isinulat, nags-sideline ako bilang dish washer sa Jollibee, sa isang mall dito sa Puerto. Nag-over time kami nung mga oras na yon at mukhang gagabihin talaga ako nito sa pag-uwi. Kasama ko rin naman tong aso ko kaya't ayos naman na, wala nan sigurong magbabalak na holdapin ako or whatever eh haha bulldog kaya ito. So yun na nga habang naglalakad kami sa kanto ng go hotel, isang hotel dito sa puerto princesa. Napansin kong wala na si Bratt, ang aso ko, sa tabi ko, hawak ko naman ang tali niya pero paano siya nakawala? Kaya't hinanap ko talaga siyasa paligid hanggang sa makarating ako sa mapunong bahagi ng lugar na ito, inilibot ko ang aking paningin kasabay ng flashlight ng phone ko, sa kanan eh masukal at may maaaninag ka namang mga kabahayan pero pag tanaw ko sa kaliwang bahagi eh andun ang aso ko, sukuot ito sa napasukal na bahagi ng kagubatang ito, sinundan ko naman, nakadama ako ng takot, siguro dahil na rin sa gubat na ito at madilim na."
Kahit ako eh na nagbabasa, nakaramdam na rin ng takot, pero wala lang naman to eh, hinahanap niya lang aso niya, hays ano ba Clive! Sabi ko sa sarili ko habang natatawa. Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa...
"Mag-iisang oras ko nang inililibot 'tong gubat pero hindi ako makalabas, nagdecide na rin kasi akong umuwi nalang at magpatulong sa mga kakilala ko bukas na hanapi ang aso ko. Nabalot na ako ng takot at hinihingal na rin ako sa paglalakad para makalabas sa gubat na ito. Sinubukan ko rin na buksan ang gps ko pero ang likot ng location, paiba iba kada segundo, nakakaduling kaya mas lalo akong kinabahan. Gusto ko munang umupo at magpahinga sa punong nasa tapat ko pero may naaninag akong nakasulat dito kaya't nilapitan ko... parang inukit gamit ang kutsilyo, may bakas rin ng dugo, ayon dito kailangan kong ikwento sa iba or kaya naman daw eh may makaalam ng nangyari sakin para makalabas ako sa kagubatang ito..."
Huminto muna ako sa pagbabasa rito, wow may thrill naman pala haha astig, siguro writer itong si Albert. Hindi ko rin alam kung totoo ba ito eh, baka naman writer talaga siya at ito ang scratch niya kaya ganto nalang kadumi. Hindi ko namalayang humihikab na pala ako at agad na nakatulog sa pagbabasa.
Pagkagising ko ay parang ang sakit sakit ng katawan ko para akong kinaladkad, nang maging maaliwalas na ang paningin ko, gulat ako sa nakikita ko sa paligid.
Ito mismo yung gubat sa papel na binasa ko kagabi, sinubukan kong uminom ng tubig at ipaligo ito sakin baka nananaginip lang ako pero hindi, andito parin ako, tangina.
Kailangang may mapagkwentuhan ako nito para makaalis sa putanginang lugar na ito.
Share this story to someone, or else...
-words by jeth.
YOU ARE READING
"CURSED" (one shot)
Mystery / ThrillerTungkol ito sa isang varsity player na napadpad sa misteryosong gubat...