Chapter 1

40 0 0
                                    

The Ex

"Notification rings."

"You have an message request from Mark Lopez!"

No. Not again. Kailan kaya ako titigilan ng lalaking eto. Graduate na ako sa pagpapakatanga sa kanya sa loob ng dalawang taon. Nakamove-on na ako, then why can't he move-on too?

Hindi na ako yung dating babae na marupok noh nagbago na ako, well change for the better and best.

Oh well siguro nagtataka kayo kung sino si Mark Lopez, well siya lang naman po yung pangalawang ex ko na kinukulit pa rin ako hanggang ngayon.

Hmm bakit di ko na lang siya i-block? Well na-try ko na po yan maraming maraming beses na po but the result? Yung mga kapatid at pinsan ko naman po ang kinukulit niya kaya no choice ako kundi i-unblock uli siya para di na siya mameste ng iba. Sakit sa brain diba? Hays!

"Notification rings."

Grrr nagsisimula na naman siya hays, ano naman kaya ang mga pinagsasabing kadramahan ng isang toh hmm?

"Open's messenger."

"Hi!"
"Snob." says he.

"Seen!" me. Alam ko naman na walang kwenta lang ang mga pinagsasabi niya at isa pa di rin ako interesado sa kung anuman ang sasabihin niya kaya nagse-seen na lang ako.

"Sad face emoji."

"Seen?"

"Geh na baka nakakaabala lang ako sayo."

"Busy?"

"Uy!"

"Geh ganyan ka!"

"Snob lang eh."

"Big like emoji." says he and many more.

"Seen!" me.

Sino ga naman ang gaganahan kung ganyan ang kausap hays. Sa totoo lang siya at mga groupchats lang ang bumubuhay sa messenger ko. I'm not into chatting, texting, calling, videocalling type of a person kase eh. Kaya minsan di na ako magtataka kung yung mga nagchachat sakin eh ma-bored lang.

By the way, nasa isang cafe ako habang hinihintay yung dalawa kong bestfriends namely Donna and Rhea while busy sipping my frappe and eating a slice of cake nung magchat yung ex ko. I've been missing the two of them for too long that's why we agreed to meet up.

I am busy eating my cake when someone sat on the seats in front of me. I was ready to look up at them when they attack me with hugs and kisses.

"Hey Anya, how are you!" says Donnabitch, well that's what I call Donna.

Bago pa ako makasagot sa kanya ay siya namang salita ni Rheababes, that is what I call Rhea.

"Well as you see best Donna, wala pa ding pagbabagong nangyayare sa kanya though mukhang tumaba siya ng kunti hihihi." Rheababes sabay pisil sa pisngi kong medyo may katabaan. Medyo uminit ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman.

"I'm good, how about you two?" me.

"Were good." says both of them.

"Are you? Eh mukhang may nabingwit na naman ang inyong bitag ng kagandahan ah?" I tease them.

Bigla na lamang silang umiwas ng kanilang tingin habang namumula ang mga pisngi. Hindi na bago sakin na may kinahuhumalingan na naman itong dalawang ito lagi naman eh playgirl kase sila, ayaw ng relationships at commitments eh gusto landian at sex lang.

Magaganda naman kase talaga ang mga kaibigan ko kaya di na ako magtataka kung madaming lalaki ang nagkakandarapang humabol sa kanilang dalawa.

Donna got a straight black long hair, black rounded eyes, pointed nose, and pouty lips. Medyo chubby siya but sexy pa din tingnan. Si Rhea naman ay may shoulder length curly hair, twinkly eyes and pinkish lips. Payat pero tama lang hindi kagaya ko na slim at skinny talaga.

"Naku naman Anya, bago pa ba yang usapin na yan? Lagi namang may nabibitag ang aming kagandahan eh diyosa kase eh hihihi." Donnababes sabay hampas sakin habang humahagikhik.

"Oo nga naman naku naku kung nag-aayos ka din siguro marami din magkakandarapa sayo noh. Hindi yang sneakers, shirts at pants na lang ang paulit-ulit kong nakikitang suot mo." segunda ni Rheababes.

Well hindi talaga ako mabutingting at palaayos na tao eh sa totoo nga pambahay lang ang suot ko sa pagkikita naming itong eh hehe.

"Naku naman kilala nyo naman ako diba? I'm not into that kind of thing, you know." depensa ko.

"Truelala." Donnabitch. We became quiet for a while eating our food when suddenly Rheababes opens another topic.

"Is he still chatting you Anya?" napabuntong hininga na lang ako sa pag-uumpisa ni Rheababes. Here we go again tsss.

"Yes." me. Hays, ang pinakaiiwasan kong topic ay nabuksan na naman tss.

"Why don't you forgive him and gave him a chance again? I'm sure na natuto na siya sa mga pagkakamali niya."

"It's not that easy Rheababes. Maraming beses ko na siyang binigyan ng chance pero ano ba ang ginagawa niya binabalewala lang niya yung mga pagkakataon na yun. Once a cheater always a cheater. Nagawa niyang magkamali sa una at sa pangalawa paano pa kaya sa pangatlo diba hindi malabong gawin niya uli iyon. Kaya ayaw ko na uling magtiwala sa kanya. Nakabangon na ako sa kanya ayokong makita uli ang sarili ko na bumagsak na naman ng dahil sa kanya." me.

Yes that is correct I've been giving him chances everytime he commit a mistake pero wala binabalewala niya lang. Lagi niyang sinasabi na babawi siya pero hindi naman nangyayare. Mga lalake nga naman tsk. I even brought myself to pity because of my love for him but he took my love for him for granted.

"Alam ko naman yun eh pero para sa akin please pwede bang bigyan mo uli siya ng chance? Naaawa na kase ako dun sa kaibigan ko eh gabi gabi na lang naglalasing at umiiyak sakin at sinisisi ang kanyang sarili dahil sa mga kasalanang nagawa niya. Isa pa may pinagsamahan din kayo diba basta basta mo na lang bang itatapon yang anim na buwan ninyong pinagsamahan?"

Hindi ko na lang sinagot yung sinabi niya at sa halip ay umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila. Naiirita na kase ako sa usaping iyon eh di ko lang masabi sa kanila. Ayoko kaseng pagtulungan na naman nila akong dalwa at pagsabihan sa kung ano ba ang dapat kong gawin at hindi. Malaki na ako kaya naman alam ko ang mas nakakabuti sakin at hindi. Nawalan na ako ng ganang kainin yung in-order ko dahil sa usaping nabanggit kaya naman pinaglalaruan ko na lang ito.

Alam ko sa sarili ko na madali akong magpatawad sa taong may nagawang kasalanan sakin pero yung mga bagay na nagawa niya ay hindi ko makakalimutan agad agad. Nakatatak na iyon sa utak ko at kahit ilang taon o dekada pa ang dumaan ay alam kong hinding hindi ko iyon malilimutan.

Tumahimik at nakinig na lamang ako sa pag-uusap nilang dalawa. Paminsan minsan ay nasagot at nakikitawa din ako sa kanila. Nagkayayaan din kaming magkaroon ng overnight sa bahay ni Donna one of these days para magkaroon kami ng oras na magkakasama.

Busy kami sa pag-uusap ng mapansin kong tumunog yung telepono nilang dalawa. Agad naman nila itong binasa habang pinagmamasdan ko sila. Importante siguro I thought. Bigla na lamang nalukot ang kanilang mukha sa nabasang mensahe.

"Hey what happened? May nangyare ba?". I asked them curiously.

"Hey guys kailangan ko ng umalis nakalimutan kong sabihin na may lakad pa pala ako pagkatapos nito eh. " Rheababes habang di magkadan-ugaga sa pagrereply sa natanggap na mensahe.

"Oh my gosh, ako rin pala may lakad din buti na lang at na-inform ako importante pa naman itong lakad ko na ito eh." Donnabitch na nagpapanic na.

Hindi na lamang ako sumagot at sa halip ay tumango na lang ako sa kanila. Mukhang importante nga ang mga lakad nila kase dali-dali silang umalis ng cafe kahit hindi pa nila nababayaran ang in-order nila.

Bumuntong hininga na lang ako sa kanilang ikinilos at nagpasya ng bayaran ang in-order naming tatlo. Lumabas na ako ng cafe at naghanap ng malapit na restaurant upang magtake-out ng pagkain para sa aking dinner. Pagkatapos nito ay agad na akong naglakad papauwe ng aking tinutuluyang bahay, para makakain, makapagpahinga at makapaghanda para sa kinabukasang dadating.

@mscshycnth

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Love WaitsWhere stories live. Discover now