(Just play the theme song for this chapter)Athena Gonzalez, maganda, happy go lucky na maitatawag, liberated, spoiled at galing sa isang mayamang angkan sa bansa pero wala pang isang taon nang bumalik ito sa Amerika may eskandalo na naman itong kinasangkutan.
“Dad.” gulat na sabi ni Athena kay LJ ng makita siya nito at hindi niya lubos maisip na nasa likuran nito si Aquila Valiente.
“Damn it! Athena. Sinong gago na naman ito?” galit na sigaw ni LJ sa anak ng makita niya ang anak na sumasayaw na tila ito nasa Cabaret sa isang bar sa Amerika kasama ang isang foreigner.
“Walanghiya ka! Pinay ka pa naman, kabit ka ng asawa ko.” galit na sigaw ng babae kay Athena na bigla itong sumingit sa pag-uusap nilang mag-ama.
Sa takot ni Athena sa mga pangyayari bigla itong napatago sa likod ni Aquila.
“Kaladkaring babae!” sigaw ng babae kay Athena.
Pero nagulat ang lahat ng sa mismong harap ng mga tao sa maingay na bar na iyon, isang malakas na sampal ang ibinigay ni LJ sa anak na si Athena na ikinatulos ng lahat sa kinatatayuan.
“Hindi ako pumunta dito para lang linisin ang kalat mo.” nangagalaiting sabi ni LJ sa panganay na anak na si Athena bago nito iwan si Athena sa lugar.
“Umayos ka, para kang high-class puta.” mahinang diin na sabi ni Aquila na napatiim bagang kay Athena habang hawak ng dalaga ang pisnge nitong sinampal ng ama.
BINABASA MO ANG
Innocent Temptress : Aquila and Athena IC#3 (Completed)
RomanceMababago ba ang pag-ibig kung ito'y itinatak na sa puso.... Maghihilom ba ang sugat sa pamamagitan ng pagmamahal.... Ano ang kahihinatnan sa dalawang pusong magkaiba ng kamalayan... Ang isang lalaking conservative at ang isang babaeng liberated.... ...