Prologue : First Kiss

2.4K 63 11
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

Unang Bayan El Paradiso

"Nandiyan na sila!" sigaw ng anim na taong gulang na si Athena sa mga kapatid nito si Jade na apat na taon at Marcus na dalawang taong gulang na hila niya sa pagtakbo.

"Ate, sandali." sabi ni Jade pero sa sobrang tuwa ni Athena hindi na nito mahintay si Jade na hinihingal na sa pagtakbo.

Nasa isla sila ng araw na iyon para sa taon-taong family gathering ng grupo.

Naunang dumating ang pamilya Gonzalez sa isla dahil sila ang nakatoka ngayon sa pagpili ng theme ng okasyon.

"Ano ba?" sabi ni Aquila, walong taon gulang na pangalawang anak ng mga Valiente, ng masanggi siya ni Athena habang nagmamadali ito sa paglapit sa grupo pababa ng chopper.

"Ano ka rin ba? Lumayas ka diyan sa daraanan ko at nahaharangan mo ang future husband ko." sabi ni Athena kay Aquila.

Napangisi si Aquila sa batang nasa anim taong gulang pa lamang pero kung umasta ito daig pa ang dalaga.

"Future husband? Hahaha. Sino?" nakangising tumawang tanong ni Aquila habang pinagmamasdan ang batang nasa harap niya.

Athena Gonzalez ang panganay ng busines tycoon na si Lukaz Jeremy Gonzalez sa asawa nitong accountant na si Patty Suarez-Gonzalez.

Nakasuot, ito ng dress na halatang mamahalin at kahit bata pa ito, ang pananamit ni Athena ay tila isang namumukadkad ng dalaga.

Nakapusod ang mahaba nitong buhok at ang amoy nito ay sumsamyo sa hangin. Baby cologne na masarap sa amoy.

"Sino?!--" taas kilay na sabi ni Athena at nagpatuloy ito.

"Si Orion Valiente lang naman and...

... I'm the next Mrs Athena Valiente." taas pang kilay na sabi ni Athena kay Aquila, na hindi niya alam kung bakit tuwing dumarating ang grupo lagi ang una niyang nakikita ay ang lalaking nasa harap niya.

"Hahaha uli.

Ang bata mo pa humaharot ka na. Saka...

HELLLLOOOO! Nakikita mo ba kung sino ang karga ni Orion... ang nag-iisang labidabs ng buhay niya.

Walang iba kung di si Ellie Cheung ang maganda at mabait na batang sobrang sweet na kahit ako ay napapaamo." nakangising sabi ni Aquila.

"Hahahah ka rin. Nakikita mo ang daliri ko." taas noo na sabi ni Venus.

"Ano iyan?" tanong ni Aquila ng makita ang isang flower ring sa daliri ni Athena.

"Ito ang engagement ring ko para sa lalaking magbibigay sa akin at... si Orion iyon. Kaya lumayas ka diyan." sabi ni Athena at tinabig nito sa Aquila pero nagulat ito sa susunod na ginawa ni Aquila.

Napangisi si Aquila at sa pagtabig ni Athena sa kanya tinisod naman niya ito.

"Ahhhh!" sigaw ni Athena na nadapa sa pagtisod ni Aquila sa kanya, kaya na nabitawan nito si Marcus na nakatakbo ng una pa sa kanya papunta sa grupo na dumating.

"Buweset ka." sabi ni Athena.

"Watch your mouth baby girl." mapang-asar ni Aquila kay Athena.

"Hindi na ako baby. Lady na ako." inis na sabi ni Athena na nakadapa pa sa buhanginan.

"Lady? Ang liit mo para sa isang lady dahil para kang sanggol sa height mo..

Innocent Temptress : Aquila and Athena IC#3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon