Mahal sa bawat gabing ika'y nasasaktan
sa bawat hikbing kumakawala sa kawalan,
Mas higit akong nasasaktan,
Habang nakikita kitang nahihirapan.Lahat ng iyong hirap di ko masuklian,
Binalewala ko yung tunay mong halaga,
Binalewala ko yung taong saki'y nagpapasaya,
Lahat ng sakripisyo mo'y di ko nakita.Sinadya kong durugin ang puso mo,
Baka sakaling magsawa ka at iwan ako,
Muni't heto ka at patuloy kumapit,
Heto ka lumaban kahit na masakit.Mahal,isa ka sa totoong nagmamahal,
At ako'y patunay na lang na isang hangal, Hangal sapagkat nagawa kang saktan,
Patawad muli kung ako'y nagkulang.Pinagsisihan ko dahil di ako naniwala,
Baka isang araw lokohin mo ko bigla,
Ako yung may mali sa ating dalawa,
Ako yung hindi nagbigay sayo ng halaga.Kaya mahal nasaan ka man,
Ingatan mo ang iyong sarili,
Wag kang magbabago tulad ng dati,
Marami man akong inaasahan sayo di na yun mahalaga.Hindi ko kailangan ng mga regalo bulaklak o ano pa man,
Sapat na yung nariyan ka sa tabi ko at walang iwanan,
Sapat ng tapat ka at nag iisa lang akong prinsesa,
Sapat ng di mo ko pinaiiyak sa halip pinatatawa.Kaya mahal,Mahal na mahal kita,
Darating yung araw na makakasama kita,
Bubuo ng masayang pamilya,
Maging hanggang sa dulo ay tayo pa.HAPPY 8TH YEARS ANNIVERSARY❤
YOU ARE READING
PATAWAD MAHAL
PoetryI wrote this for my special someone who loves me for so long but i always broke his heart💔