Papasok pa lang ako ng room rinig na ang malalakas na tawanan ng mga classmate ko sa loob ng class room namin. Sa likodan ako tumungo imbis sa tabi ni Zoa na nasa bandang gitna na naka upo kahiya naman kasi mang istorbo at mag pa alis sa mga kahalakhakan nya di ko sila close.
"good morning Gie" masayang lingon ni Zoa sakin sa likod nginitian ko lang sya tumahimik naman yung mga katawanan niya. Nu meron? anim yung naka palibot kay Zoa dalawang mag katabing babae yung nasa kanan niya isa sa kaliwa na bakla naka upo sa arm chair at dalawang lalaki sa likod at isang babae sa harap na naka upo paharap sa amin.
"bakit ba Zoa angel pine friendster mo pa yan? eh kala mo naman kung sino" rinig kung bulong ni Wendle kay Zoa yung haliparot na pangit na bakla..
yung totoo bulong ba yun o parinig?
"oo nga Zoa bakit ba kinakaibigan mo yan kitaraytay di nya naman kinaganda" bulong ni Jen na nasa harap nila isa pa tong gatong kahiya naman sa beauty niya eh hamak na ingrown ko lang muka nya tipid na ngiti lang ang nkita kong sagot ni Zoa sa kanila kasura di man lang ako ipag tanggol.
dumating ang prof. namin kaya nag balikan na sa kanya kanyang pwesto ako di na nag ablang lumipat sa tabi ni Zoa na bwisit na ko at absent din naman yung naka upo sa inuupuan ko ngayon.
"Hi" si Zoa tinignan ko lang siya at binalik na sa binabasa kong libro ang attensyon ko
"ui" di ko sya nililingon nasa may bench ako nang dumating sya istorbo.
"galit kaba? dahil sa mga sinabi nila?" malamang ikatuwa ko yun
"Gie ako na humihingi ng sorry sa mga sinabi nila sayo kanina wag mo ng isipin yung mga sinabi nila di ka kasi nila nakakasama kaya nasabi nila yun" yun na nga eh sya madalas kasama at best friend ko na naka kakilala sakin di sana sya ang nag paliwanag at nag tanggol saakin sa mga friends nya
"Gie sorry na wag kanang magalit oh" sabay abot niya sakin ng magnum. alam talaga ng gagang to kung pano ko ututoin eh..
''oi Gie oh... '' inabot ko yung hawak nyang ice cream kahit ayoko sana kaso ice cream yun eh... my pambili nmn ako marami pa nga eh, tamad lang ako baka pag alis ko may tumambay dito sa inuupuan ko
"Thanks"
"bati na tayo ah" sabay upo sa tabi ko
"sabi mo eh" sabay smile ko yung totong ngiti
"ganyan dapat Smile, ng hindi inaakala ng iba na mataray ka..." mas nilawakan ko pa ang pag kaka smile at sabay sipsip sa natutunaw ko ng ice cream
"ka gandang dilag eh ke kalat kumain" si Zoa na ginaya ang pa ang batangeniong tono na tawa na lang ako sa tono niya pasalamat tong babaeng to loves ko sya nako kung hindi baka binigti ko na to sa pang iistorbo sa pag babasa ko.