Ice Cream

931 36 11
  • Dedicated kay Karen Porta Cruz
                                    

Edited, for the second time. Haha!

=================================

"Darrhien! Tara! Uwi na tayo!" Sigaw sa akin ni Vienna.

"Teka lang! Inaayos ko pa gamit ko!" Sigaw ko rin sa kanya. Aba! Sinigawan ako kaya sinigawan ko rin.

Inayos ko na yung gamit ko. Uwian na kasi, 3rd year high school lang po ako, 15 years old. Ay teka, alam nyo na ba name ko? Darrhien Ice Gonzales name ko. Astig noh?

Naglakad na kami pauwi, kasabay ko si Vienna, yung bestfriend ko slash kapitbahay ko kaya lagi kaming magkasabay nyan.

"Daan muna tayong ice cream parlor." Sabi ko nung papaliko na kami sa daan pauwi ng bahay.

"Alam ko na kahit di mo sabihin." Natatawang sabi ni Vienna. "Hindi ka ba nagsasawa sa ice cream?"

"Hindi noh! Ang sarap kaya!" Medyo natatawa kong sabi habang papunta na kami sa ice cream parlor.

"Kaya bagay sa'yo ang name mo eh, Darrhien ICE." Talagang in-emphasize yung ice?

"Nagmana lang ako kay Mama at Papa. Alam mo namang kaya Ice ang second name ko dahil nagkakilala sila gawa ng ice cream." Medyo naka-pout kong sabi.

"Pareho pala kayo eh." Alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Vienna.

"Hindi ko na siya ulit nakita after that." Malungkot kong sabi.

"I'm sorry." Ngumiti na lang ako ng malungkot pagkasabi nun ni Vienna.

Nakarating na kami sa Ice Cream Parlor. Vanilla ice cream binili ko. Inalok ko nga si Vienna kaso ayaw. Okay, huwag pilitin ang ayaw at baka pumayag.

May bigla namang tumawag kay Vienna.

"Hello Ma.... opo pauwi na po ako.... Ha?..... Oh sige po bye." Mama ata ni Vienna yun.

"Pinauuwi ka na?" Tanong ko sa kanya pagkababa niya nung phone niya.

"Oo eh. Tara na?" Alok niya sa'kin.

Umiling naman ako. "Mauna ka na, mag-uuli pa ako."

"Sus, pupunta ka lang dun." Makahulugang sabi ni Vienna.

"Umuwi ka na nga, mapagalitan ka pa ni tita, lagot ka." Pagtataboy ko sa kanya.

Natawa naman si Vienna. "Oo na. Ingat ka ha?"

Tumakbo na paalis si Vienna. Ako naman, kinakain ko yung ice cream ko habang naglalakad, papunta kasi ako dun sa playground.

Pagkapunta ko sa playground, walang ibang tao dun kundi yung lalaki na nakaupo sa swing na may ice cream din?! At vanilla flavor din ha? Destiny? Chos lang.

Habang papalapit ako sa kanya, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Weird. Bakit naman ganun? Tapos, ang cold pang tingnan nung lalaki.

Umupo ako dun sa katabing swing, kinakain ko pa rin yung ice cream ko. Hindi naman masamang tumabi sa kanya noh?

Napatingin ako sa malayo. Napabuntong-hininga ako. Tsk, naalala ko na naman siya.

Dito kami sa playground na ito nagkita eh, 9 years old lang ata ako nun? Ewan ko, basta mag-isa ako dati kasi hinihintay ko si mama, sabi niya maglaro raw muna ako rito .Kaso wala naman akong kakilala noon. Kaya ayun mag-isa akong naupo sa swing. Tapos may batang lalaki na umupo rin sa swing, mukhang wala ring kakilala.

"Wala ka ring kakilala?" Tanong ko sa batang lalaki. FC ko noh?

Umiling lang siya. Teka, pipi ba siya? Kaya ang ginawa ko nakipagkilala ako sa kanya.

Ice Cream (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon