Transferee

9 0 0
                                    


"Sino siya?" Tanong ko kay Claire sabay nguso duon sa lalaking maingay

Nasa kabilang side kami ng first row kaya medyo may kalayuan sa mga nagkukumpulan naming classmates. Isang sulyap at alam n'ya na kung sino ang tinutukoy ko.

"Ah transferee" sagot nya pero tutok pa rin sa cellphone nya

"Saan galing?" tanong ko ulit habang inaayos ang bag ko para maging comfortable naman ang pag-upo ko.

"Wisdom Academy sa pagkakarinig ko" sagot nya

Napatango nalang ako pero patuloy pa rin na nakasulyap sa boys na nakakatuwaan. I smiled when I saw kuya Fred looked at our direction. He just waved and continue with listening to his friends especially to thier new found bubbly friend. I diverted my attention to the other side.

Napatingin ako sa dalawa ko pang kaibigan na papalapit na saamin at mukhang masayang masaya rin

"Che! Kanina ka pa?" Tanong ni Jelai na may mga dalang pagkain sa parehong kamay

"Nope, ngayon ngayon lang" sagot ko habang nakatingin sa pagkain nya at iniisip kong saan ba ako pwede makikagat hmm...

May dala s'yang pancake at paborito naming magkakaibigan ito. Bukod kasi sa masarap na, mura at napakalaki pa kaya sulit na kapag pancake ang binili mo. Idagdag pa ang palamig na kahit limang peso lang ay napakarami at talagang mabubusog ka pa

"Gusto mo?" Para akong aso na biglang napangiti at napatango nang bigla nya akong alukin ng pancake nya at palamig nya

Ang bait at yaman talaga ng isang to! Panigurado mataba na naman ang wallet nito!

"Nakasalubong namin si Marc" pabulong na sabi Michael na halata mong kinikilig

"Kaya pala iba ang ngiti mo" Sabi ko na ngayon ay umiinom na ng palamig ni Jelai

"Alam mo ba? Gusto nya sundan namin si Marc pero sabi ko wag na kasi baka nandito na si Sir at baka malate pa kami! Pero ang makulit na ito gustong kahit sa tabi nalang daw ng store na bibilhan ni Marc!" Punong puno ng pagkain ang bibig ni Jelai habang nagsasalita

"Ang aga aga mo naman maging stalker" Sabi ko kay Michael habang tinitingnan sya na punong puno ng pang-aazar. Pero si loko, ngiting ngiti pa rin na parang wala s'yang pakealam kahit anong pang aasar ang ibato ko sa kanya!

Huh! 

"Kasi nagtatalandi na naman ang isang to!" Kunwaring nanggigigil na sabi ni Jelai

"Ano ba yan tabs, hindi ka dapat naghahabol hayaan mo silang maghabol sayo hahahaha" singit ni Claire na ngayon ay nakikiinom na rin sa palamig ni Jelai

"Kaya nga lalo na narinig ko may girlfriend na ata yun e" tunog malungkot pero mahahalata mo pa ring kinikilig sya dahil sa ngiti n'yang suot suot nya pa rin

Alam n'yang may girlfriend na pero stalk pa rin ng stalk hmmp!

"Hmmm Kabit ka!" Pang-aazar ko sa kanya habang napapailing nalang ng ulo pero ang loko bigla akong pinalo sa braso

"I'm not!" Sigaw nya gamit ang pambatang at pinakamalandi nyang boses na sobrang nakakairita

Alam ko at alam nya  at alam ng buong classmates namin na sobrang nakukyutan ako sa kanya at na gustong gusto ko s'yang laging kasama pero wala sa usapan namin ang manghampas! Ang laki laki pa naman ng kamay nya plus idagdag pa yung tabang nandun nagpapabigat sa malaki  n'yang kamay!

Tinampal ko rin sya "Yes, you are!" Sabi ko sabay malaking mata at ilong ko para ipakita sa kanya na kunwaring nanggigigil ako at magkakasakitan kami dito pero ang tababy n'yo tinawanan nalang ako!

"Ang laki na naman ng ilong mo!" Sabay irap. Aba! Loko to! Kung di lang sya cute kukurutin ko talaga ng malakas na malakas yang mataba n'yang pisngi hanggang sa lumabas lahat ng black heads nya hahaha

"Kaazar to!" yun nalang nasabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

Ang cute talaga ng isang to! kaya gustong gusto ko sya e kaya lang iba ang gusto nya at malinaw pa sa sikat ng araw sa ulo ng mga kalbo na hindi ako yun!

Chubby s'ya, malaki ang tyan and i dont care about that dahil kapag niyayakap ko s'ya ang comfy comfy sa feeling kaya lang minsan wala pa ngang five seconds ang pagkakayakap ko sa kanya e binabalibag n'ya na agad ang kamay ko which is super nakakairita. Kaya no choice naman ako kundi kurutin ang mataba n'yang pisngi para lalo syang mairita saakin, may maliliit syang scars ng pimple nya pero para saakin gwapo pa rin sya. Kung kami in the future ako na siguro ang pinaka masayang babae sa buong universe.

"Stop staring!" bulong nya habang umuupo

Alam n'yang may gusto ako sa kanya kahit ganyan sya at lalong tanggap ko sya sa kanit anong parte at pag uugali ng pagkatao ang meron sya.

"whaaat? I'm not! napaka feeing mo na naman!" trying to defend myself

Kinuha ko nalang ang notebook ko para gawin ang usual habit ko everytime na naghihintay kami sa mga teacher namin. Magdoodle nalang ako kesa makipagbangayan pa sa tababy na ito.



P.s: It's time to sleep edit ko nalang ulit bukas


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi Pa PalaWhere stories live. Discover now