HALOS magkasabay na huminto ang BMW niRommel at pick – up ni Nathan sa parking lot ng DGMMC nang hapong iyon.Naunang bumaba ng sasakyan si Rommel. Napakunot – noo siya nang makita si Nathan na bumababa sa sasakyan nito. Napatingin din ito sa kanya.
Nakamulsang nilapitang nilapitan niya si Nathan. "How's Lola Marcela?" pormal na tanong niya nang makalapit dito.
"She's fine. Nakabalik ka na pala, Doc," pormal ding sabi nito.
"Kanina lang."
Luminga – linga si Nathan sa paligid. "May alam ka bang lugar na puwede tayong mag – usap?"
"Tungkol saan? We can talk later pagkatapos kong ihatid si Anne sa bahay n'yo mamayang gabi."
"Why not now?"
"Palabas na kasi si Anne, eh. May pupuntahan kami," tugon ni Rommel.
"Really?I'm here to fetch her, too. Ayokong nagta – tricycle siya pauwi."
"I don't, either. But thanks for the concern, I can do that myself. Ako na ang maghahatid kay Anne pauwi."
"Pinaaalis mo na ba ako?" magaspang na tanong ni Nathan.
"Hey, hindi iyang ang gusto kong sabihin. Pero ako ang fiancé ni Anne, natural lang naman na ako ang maghatid sa kanya, 'di ba?"
"Fiancé?" patuyang tanong nito. "Are you sure about that, Doc?"
Kaagad nagsalubong ang mga kilay ni Rommel.
"Gusto ni Anne na siya ang magsabi sa 'yo pero hindi ko na mahihintay 'yon dahil nakakaawa ka."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"While you were away, Anne and I became close again. Alam naman nating dalawana kung sino ang una niyang gusto at kung hindi ako umalis, siguradong hindi siya mapapasaiyo."
"Give it up, Nathan. Hindi na tayo mga bata. Tanggapin mo na lang na nagmamahalan kami ni Anne. At huwag mong ipilit na kasalanan ko kung bakit natagalan kang bumalik dito," napipikon nang sabi ni Rommel.
"Yes, it is still your fault at hinding – hindi ko makakalimutan 'yon. Pero para sa kaalaman mo, bago pa ako bumalik dito sa San Rafael, nagkita na kami ni Anne sa isang hotel noon.At nagkita na rin tayo noon sa coffee shop, remember?"
Napatitig si Rommel kay Nathan. Balikan din niya sa kanyang isip ang hitsura ng lalaking nakita niya noon sa coffee shop. Napamaang siya nang ma–realize na si Nathan ang lalaking iyon, naiba lang ang ayos ng buhok nito. Ilang beses din niyang tinignan ito nang masama noon dahil sa pagtingin kay Anne.
"Anne and I had an affair in that hotel," patuloy pa ni Nathan."Ipinagpatuloy namin ang naumpisahan namin nang umalis ka." Hinawakan pa siya nito sa balikat. "I'm sorry, Doc, pero may relasyon na kami ni Anne ngayon at hindi na siya magpapakasal sa 'yo."
Tumaas–baba ang kanyang dibdib sa narinig habang nakakuyom ang mga kamay. Habang nasa States pa siya ay nabanggit ni Anne sa kanya na nag – uusap na ito at si Nathan. Pero siniguro naman nito na kaswal lang ang mga iyon dahil hindi naman maiiwasan ang mga iyon dahil nakatira sa iisang bubong ang dalawa. Batid kasi ng kanyang nobya ang takot na naramdaman niya sa pagbabalik ni Nathan at naniniwala siya rito. Sigurado siyang nagsisinungaling lang ang lalaking kaharap niya ngayon.
Subalit hindi na napigilan ni Rommel ang sarili, umangat ang kanyang kamao at sinuntok ang lalaki sa mukha. Sumadsad si Nathan sa sasakyan nito. Sandali lang natigilan ito at sinugod na rin siya. Kapwa galit na nagpambuno sila at nagpagulong – gulong sa semento ng parking lot. Kapwa ayaw magpatalo.
BINABASA MO ANG
Dati Ka Na Sa Puso Ko
RomanceGanoon na lamang ang takot ni Rommel nang mabalitaan na nagbalik na si Jonathan, ang kauna - unahang lalaking minahal ni Anne, ang babaeng kanyang pinakamamahal. Alam ni Rommel na hindi siya mapapansin ni at mamahalin ni Anne kung hindi pa umalis n...