Never quit, just move on *not a story*

73 2 3
                                    

MOVE ON?

Isang salita na madaling sabihin ngunit NAPAKA-hirap gawin.

Lahat naman siguro tayo nakaranas na nito.

Oo, nung una puro sarap pero sabi nga nila kapag masyado ka nang masaya maya maya lang may kapalit na itong lungkot.

Sabi rin nila na kung kailan ka daw nagseryoso tska ka naman gagaguhin.

Sorry for the term pero totoo naman diba?

Masakit.

Sobrang sakit..

Yung tipong halos ibigay mo na sakanya lahat ng makakaya mo..

Yung tipong nagpakatino ka para sakanya..

Yung kahit nagmumukha ka ng tangang kakahabol sakanya, gagawin mo pa din..

Yung kahit anong masasakit na salita yung ibinato niya sayo tatanggapin mo..

Yung kahit ginago ka na, papatawarin mo..

Isa lang naman ang rason niyan..

MAHAL MO SIYA!

Pero TIGILAN mo na yan.

Mas masasaktan ka lang naman kung ipagpapatuloy mo pa yan.

Binigyan ka nang pagkakataon na maging tanga, pero oy! Hindi dahil libre yan ay aaraw-arawin mo na!

Ano 'to, unli? Sinusulit?

Sabi saakin ng kaibigan ko..

Ang pag-momove on daw ay maihahalintulad sa isang lumpo..

Hirap makatayo..

Masakit..

Kailangan ng aalalay..

Pero paano kung mawala yung aalalay sayo?

Paano kung napagod na to?

Paano ka na?

Saan ka na kakapit?

Hihitayin mo ba itong bumalik?

Paano kung tuluyan na siyang mawala sa buhay mo?

Paano ka na makakalakad nun?

Might as well humanap ka ng iba PERO wag na wag mo itong gagamitin bilang "panakip butas"

Siguro naman narinig mo na ang salitang KARMA, right?

Huwag kang gagawa ng bagay na ayaw mong gawin sayo.

Or pwede rin naman kayang matuto ka ulit tumayo nang mag-isa.

HELLO! 

Nabuhay ka nga noon ng wala siya e, ngayon pa kaya?

Ipakita mo sakanya na mali na pinakawalan ka niya!

Hayaan mo siyang magsisi sa kapabayaan niya.

Hindi lang siya ang lalaki sa mundo noh?

You're strong, you're smart and You know better!

Huwag mong hayaan na isang tao lang ang maging dahilan ng pagtigil ng mundo mo!

-----------------------------------------------------------

Paganda/Pagwapo ka nalang 'teh. Katulad nga ng sinabi ko kanina, ipakita mo sakanya na hindi siya deserving sa pagmamahal mo, na ang pinakamalaking mali na nagawa niya sa buhay niya ay yung pinakawalan ka niya.

Para kapag nagkasalubong kayo..

Ang ending niya,

NGA-NGA

------------------------------------------------------------

Huwag mong hayaan na magmukha kang tanga o desperada/desperado.

Huwag mong sanayin ang sarili mo na parati ikaw ang humahabol, aso lang ang peg?

Hayaan mo nga silang matuto!

Marunong silang mang-iwan, PWES

Matuto rin silang bumalik noh!

---------------------------------------------------------

"Stop wasting your time on people who don't love you."

-----------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never quit, just move on *not a story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon