Takip-silim

45 11 4
                                    

Minsan, nauubusan
ako ng oras upang magpahayag.

May titik pa sa sa labing
sa mga titig ko na lamang
naibabanggit,

mga bantas sa lalamunang
ayaw lumabas
at mas piniling kumubli
nang paulit-ulit sa aking kulungan,

metaporang hindi ko maisatinig,
sa takot na kamuhian
na naman muli
ng hubad na realidad.

Manghihinayang
sa kandilang upos na;

sasaksihan kong muli
ang paglaho ng ningas
habang hinihintay ang muling
pagkaubos ng oras.

—MLD |01022021

PARALUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon