Mga nangyari nung magjowa pa sila Yszang at Ash
----
Monday
Habang pauwi galing school sila Ash. Sabay silang naglalakad pero hindi sila magkaholding hands ayaw kasi nun ni Yszang e. Ayaw nya ng PDA. Sabay lang talaga silang naglalakad. Paminsan minsan e nag-uusap at nagtatawanan ang dalawa. Maya-maya bumanat si Ash..
Ash: Oi, alam mo ba hindi pa August 1 ngayon.
Yszang: Alam ko. Bakit?
Ash: Kasi August 2 kita eh.
Yszang: *Nangiti. Kinilig ng biri biri layt*
Yzsang's turn ~
Yszang: Asin ka ba?
Ash: Bakit?
Yszang: I love you ALAT eh.
Ash: *Napapadyak sa kilig*
At hanggang sa maihatid ni Ash si Yszang sa bahay e naka-ngiti na parang timang ang dalawa.
--
Tuesday
Nasa canteen si Yszang at si Ash, kasalukuyang naglalunch. Nang biglang may nakita si Ash sa openfield ng kanilang school. Napatingin kay Yszang at sinabing..
Ash: Oi, narra ka ba?
Yszang: Hindi, bakit?
Ash: Ikaw kasi ang nararapat para sakin eh.
Yszang: Luhh. Kumain ka nga lang dyan. Gutom lang yan. Hihhhi *kinikilig deep inside*
Nang matapos na silang kumain si Yszang naman ang bumanat.
Yzsang's turn ~
Yszang: Parang wala ako sa SARILI ko!
Ash: Bakit?
Yszang: Kasi nasa SAYO na ko!
Ash: *speechless pero naka-smile*
Yszang: Alululuul~ kinilig syaa. Landi neto.
Ash: Tena't may klase pa tayo.
Nung uwian hindi nahatid ni Ash si Yszang dahil may pustahan sila sa dot. Naintindihan nya naman to kaya ayos lang kay Yszang.
---
Wednesday
Sinundo ni Ash si Yszang sa bahay nila at nasa malay palang si Ash si Yszang nangingiti na. At nang makalapit na ng tuluyan si Ash biglang bumanat si Yszang..
Yszang: Oi, Birth Day ka ba?
Ash: Bakit?
Yszang: Dahil habang papalapit ka, naEEXCITE ako!
Ash: Hala sya oh! Aga aga pinapangiti ako.
Hindi sinagot ng isa pang banat ni Ash yung kbanat sa kanya ni Yszang kaya naman na-disappoint sya. Nang nasa school na sila si Ash biglang pinatawag ng dean at bago umalis bumanat sya kay Yszang..
Ash' turn ~
Ash: WATUSI ka ba?
Yszang: Bakit?
Ash: Kasi ang SARAP mong iKISS-KISS. Mwuah! Mwauh! Mwuah! Buhbye. Punta lang ako dun.Yszang: Ge. Ingat
Sabay na naman silang umuwi na dalawa.
---
Thursday
Sa school habang walang klase si Yszang nakarecieve ng text galing sa kanyang pudrabels at sinasabing umuwi na sya dahil andun ang kanyang mudrabels. Si Yszang naman ay dali daling nagligpit ng gamit ng nagpaalam sa mga kaklase/kaibigan at pati nadin kay Ash.
Yszang: Oi, uwi na ko nandun daw si mudrabels eh
Ash: Sana Assignment na lang ako.
Yszang: Bakit?
Ash: para iTAKE HOME mo na lang ako.
Yszang: HAhaahah. Adik. Yae pag matagal na tayo tsaka na kita ipapakilala kay pudrabels.
Ash: *walang kibo*
Yszang: Si ENRILE ka ba?
Ash: Bakit?
Yszang: Kasi gusto ko HAPPY ka! Kaya tara na. Tayo na dyan dali. Sasama na kita.

BINABASA MO ANG
Best Thing That's Ever Been Mine
RomancePagmamahalang nagtagal lamang ng isang linggo. At dun sa isang linggo na yun ay puro magagandang pangyayari ang naganap. Yun nalang ang naiwan kay Ysza. Dahil nung saktong isang linggo na sila iniwan sya ni Ash. Ni hindi man lang ito nagpaliwanag. M...