Second Chance....(chapter five)

425 4 2
                                    

"Oh Maya, bakit ganyan hitsura mo namumutla ka na di mo malaman, ayos ka lang?"

"Ha? Eh..Oo naman ayos lang ako Sabel."

"Sigurado ka? Baka may sakit ka na naman. Teka hinatid ka ba ng gwapong manliligaw mo?"

"Naku hindi ah, may flight ngayon si Vincent."

"Ahh nagcommute ka lang pala."

"Hindi, sinabay ako ni Ser Chief."

"Whhaaatt, sinundo ka ni Ser Chief mo sa opisina? Ang swettt lang Maya, ikaw na!"

"Naku hindi nya ako sinundo, aksidente lang kaming nagkita sa may simbahan."

"Maya sinasabi ko sayo hindi aksidente yun, that's what you called DESTINY."

"Ikaw talaga Sabel, kung ano-ano pinagsasabi mo.

(Biglang papasok sa front door ng mansion si Ricardo)

"Good evening po, Ser Richard."

"Good evening din."

"Oh siya, Sabel, magbibihis muna ako."

Mukhang nagkakatotoo na nga ang kinatatakutan nyang iiwasan siya ni Maya. But he felt that he really should be confessing his feelings baka kasi sa pagiging makupad nya eh maunahan pa sya, after all Maya isn't just like any other woman. She is his happiness personified.

"Ser Richard ayos na ayos...pagbutihan nyo lang yan."

"Mukhang alanganin nga, Sabel"

"Bakit, nagtapat na ba kayo Ser?"

"Not really, I just told her that I'm happy whenever she's with me."

"Ay nakakaiyak naman Sir..pwedeng pakitagalog ng sinabi nyo, di ko na gets."

"Later, kukwento ko sa inyo nina Manang Fe.

Sa hapagkainan

"Dad, I have a good news, because of my awesome performance as Laura nung last play, binigyan nila ako ng chance upang mag act ulit."

"Oh, then I guess congratulations, Nikki."

"Thanks, Dad. Nood ka ulit ha."

"Sure, just remind me again, 2 days before your performance para maclear ko schedule ko."

"Yes, Dad."

"Ako din Dad may good news...ako po ang highest sa Math exam namin kanina."

"Congratulations too, Luke. Iba na talaga ang inspired huh."

"Yeah, you can say it like that, Dad."

"Daddy, ako din po nakakuha ng 6 stars sa school kanina, and I also share my baong sandwich din po sa friend ko."

"Ang bait naman ng baby ko..congrats sa 6 stars."

Kanina nya pa napupunang walang imik si Maya, heck, iniiwasan nitong mapatingin sa kanya. Kinakabahan na naman siya. What if galit ito sa kanya dahil sa mga sinabi nya earlier.

"Maya, bakit wala kang imik dyan, wala ka bang bagong funny scenes na nasaksihan sa airport kanina?"

"Wala po, busy ako kanina Ser Chief."

He knew it, umiiwas sa kanya si Maya, ngunit hindi siya magpapadaig. After all nagsisimula pa lang ang lahat.

"Ganun ba, sige magpahinga ka ng maaga. Ako nang magpapatulog kay Abby later."

"Ah di naman po, ayos lang po ako Ser Chief, ako na pong magpapatulog kay Abby."

"Maya, look me into my eyes at saka mo sabihing di ka pagod."

Second Chance....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon